Bertud ng Windchime
Ang windchime na gagamitin ay dapat na may 6 o 8 rods na yari sa kawayan. Isasabit ito sa South para sumikat ka sa iyong propesyon. Ang rods na gagamitin ay dapat na “hollow” o may butas sa magkabilang dulo upang makapasok ang good energy mula sa ilalim patungo sa itaas. Ang pag-ugoy ng hangin sa mga nakasabit na rods ay nagiging sanhi ng pagtunog ng mga ito. Ang tunog na iyon ang umaakit para pumasok sa bahay ang good energy o “fame luck”.
Kung ibang suwerte naman ang iyong hinahangad maliban sa maging sikat, magsabit ng metal windchime sa West, North, Northwest. Ceramic windchime ang gamitin kung isasabit ito sa Southwest at Northeast. Bamboo windchime naman sa South, East at Southeast.
Kung nais suwertehin, 6 o 8 rods ang gamitin. Kung may kokontrahing poison arrow o gusto na ninyong wakasan ang kamalasan dumarating sa inyong buhay, 5 rods ang gamitin.
- Latest
















