The ghost of ‘padre tililing’(8)
“HAPPY
DAYS are here again, la-la-la-la-la-la-la-la!” Nagkantahan pa sa tuwa sina Miranda at Antonya.
Nakasentro ang katuwaan ng smuggling queen at ng amiga nito sa tuluyang pagkawala sa kanilang teritoryo ni ‘Padre Tililing’; nailibing na ang mortal nilang kaaway.
Nagdiwang sila pati mga tauhan, sa malaking bahay ni Miranda sa tabing-dagat. May inuman at kainan mula hapon hanggang hatinggabi. Kinumpleto ang maingay na kasayahan sa pagkuha ng mga modernang sexy sa bayan. Pati buwan ay nahiya, nagtago sa ulap, sa kalaswaang nangyari sa bahay ng smuggling queen. Dinig ng mahihirap na tao sa fishing village ang hiyawan ng malalanding babae at bulgar na kalalakihan.
Namayani ang halakhak nina Miranda at Antonya sa mikropono. Nagkaroon ng kantahan ng mga sintunado sa karaoke.
Napuyat nang husto ang mga tao sa fishing village sa haba ng gabi; takot namang kumontra kay Miranda, nanahimik na lang.
Mas may huwisyo sa kanila ang dalawang lalaking katulong ni ‘Padre Tililing’.
Nagtakip ng bulak sa tenga ang mga ito, nakatulog naman.
NANG ikatlong gabi, back to business na ang smuggling queen at mga galamay. Wala nang hahadlang sa pagdating ng smuggled items na ipapasok ni Miranda sa bansa.
Nagtalaga si Miranda ng advance party. “Ikaw, Antonya at tatlo nating bata ang uuna sa tabing-dagat. Alam n’yo na ang detalye. I-report agad sa akin ang progress, saka ako darating doon, okay?”
Sumaludo si Antonya. “Okay po, my queen!” “Ha-haa.
Ang OA mo, Antonya!”
Saglit pa’y patungo na ang amiga lulan ng SUV, kasama ang tatlong piling tauhan. BRUUUMM.
Hatinggabi iyon. Nasa laot ang mga mangingisda. Alam sa buong fishing village ang illegal na nagaganap, pero sila ay nagbibingi-bingihan, nagbubulag-bulagan. Sapat nang sila ay hindi pinipigilan ni Miranda sa kanilang ikabubuhay. Sapat nang sila ay hindi sumasala sa pagkain. (ITUTULOY)
- Latest






















