^

Para Malibang

Kalamansi vs. pagbubuntis

Pang-masa

Maraming mag-asawa o mag-partner ang hindi hiyang sa anumang uri ng contraceptive. Kung calendar method ang gagamitin, minsan ay sumasablay, kung condom naman, ayaw naman ni mister, kung pills, hindi minsan hiyang si misis at kung anu-ano pang dahilan. May ilang kasabihan ang matatanda na minsan din ay epektibo at tumutugma sa siyensiya o medisina. Isa sa mga ginagamit na birth control ng mga nanay noong unang panahon ay ang kalamansi. Oo, nakakapagtaka hindi ba? Ang akala ng marami ang kalamansi ay ginagamit lang sa pagkain o paggawa ng juice, pero epektibo din ito sa birth control.

Preparasyon – Kailangan mong bumili ng kalamansi, kinakailangan ay fresh ang mga ito at tiyakin na maraming katas. Bumili din ng sponge o ispongha o foam na maaaring gamitin sa iyong vagina.

Paghahanda: Magkatas ng kalamansi, kailangan mo ng kalahating tasa ng katas ng kalamansi at ihalo ito sa isang tasang tubig. Paghaluin ang kalamansi at ang tubig sa isang plangganang maliit o isang mangkok na medyo malaki at hindi matatapon ang mixture mo. Ibabad ng kalahating oras ang sponge sa  nasabing mixture bago mo gamitin. Bago magsimula sa inyong love making dapat ay maligo upang maging malinis si “nene” bago mo pahiran ito ng iyong mixture. Matapos ang nasabing love making ay muling pahiran si “nene” ng kalamansi at ibabad ang mixture ng limang minuto saka magbanlaw.

Sa pag-aaral, ang katas ng kalamansi ay nagtataglay ng mataas na acid kung saan pinapatay nito ang sperm cells. Kaya naman upang makatiyak na hindi makakapasok ang sperm cells sa loob ng vagina ay kailangan pahiran muli ito ng mixture. Pero, tandaan, ang paraang ito ay hindi rin garantiya na 100% na hindi ka mabubuntis at  hindi rin pang-iwas laban sa anumang uri ng Sexually Transmitted Disease. Kaya naman inirerekomenda pa rin ang pagpapakonsulta sa doctor.

BUMILI

IBABAD

ISA

KAILANGAN

KALAMANSI

KAYA

MAGKATAS

SEXUALLY TRANSMITTED DISEASE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with