^

Para Malibang

Siguristang bf

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Mayroon akong boyfriend, pero malayo kami sa isa’t isa. Masaya naman po kami sa sitwasyon namin hanggang sa naging busy siya sa trabaho niya. Naputol ang communication namin ng isang buwan hanggang isang araw, nagbalik siya. Nagkausap kami ng masinsinan. Bigla niyang sinabi na may bago siyang gf. Ikinagulat ko ito, pero hindi ko magawang magalit sa kanya. Para siyang nagka-amnesia. Hanggang sa maalala niya ang lahat. Ngayon po ang gulo pa rin dahil sa ayaw niya akong bitawan. Natukso raw siya sa mga panahong hinahanap niya ako at ang girl ang nasa tabi niya. Ako raw ang mahal niya pero di niya kayang bitawan ang babae dahil nagbanta ito na magpapakamatay kasama ang batang dinadala niya. Ang hirap, hindi ko siya mabitawan dahil hindi niya raw kaya pero nahihirapan ako sa sitwasyon na ganito. Laging patago ang pag-uusap namin dahil nakabantay ang babae. Hindi rin siya makapagdesisyon, naguguluhan siya pati ako. Ano ba ang dapat kong gawin? - Aryan

Dear Aryan,

Mabuting kalimutan mo na ang lalaking yan. Ginagawa lang niyang dahilan na hindi niya mahiwalayan ang ibang babae sa buhay niya dahil sa kung anu-anong dahilan. Kagustuhan din niya anumang nangyari sa kanila nung babae. Kapag tunay ang pag-ibig, nasa ibang planeta man ang isa ay handang ipaglaban ang true love niya. Ang tunay na pag-ibig ay tapat, kayang magtiis at hindi nagtataksil. Kaya masakit man, maghanap ka na lang ng ibang mamahalin ka ng tapat. May anak na sila at tiyak na hindi siya bibitawan ng babae. Kalimutan mo na ang tulad niya.

Sumasaiyo,

Vanezza

ANO

BIGLA

DEAR ARYAN

DEAR VANEZZA

GINAGAWA

HANGGANG

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with