^

Para Malibang

Isang milyong pisong kilabot (26)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pilipino Star Ngayon

DUDA nga si Caluycoy sa mag-asawang Paula at Socrates. Tinanaw ng milyonayo ang dalawa.

Malapit na ang mga ito sa exit gate ng malawak na compound ng asylum na nasunog.

“Apeng, dali, i-power lock ang exit!” utos ng milyonaryo.

“Ngayundin po, bossing!”

Klak. Klik.

Nataranta sina Paula at Socrates, alam na naka-lock na ang labasan.

Imposible nilang maakyat ang napakataas na bakod.

Tumawag ng iba pang bodyguard si Caluycoy. Lapitan agad sa kanya ang mga ito.

“Ibalik sa akin ang dalawang ‘yon! Ngayundin!”

“Yes po, bossing!”

“Apeng, kunin mo ang kanilang back pack, dali!”

Tinakbo agad ni Apeng ang mag-asawa.

Palag nang palag sina Paula at Socrates sa puwersahang pagbitbit sa kanila.

“Bitiwan n’yo ako, mga walanghiya! Socrates, saklolo!”

Si Socrates ay nabugbog na ng mga bodyguards. Nawalan ng ulirat.

Kinuha ni Apeng ang dalawang back pack.

Umiyak na lang si Paula. “Huwag po, amin ‘yan. Hu-hu-huuu.”

NABIHAG ni Caluycoy ang mag-asawa.

Binulatlat ng milyonaryo ang laman ng mga back pack.

“Ano ‘to? A, panty. T-shirt na basa ng pawis...” Nandidiri ang wirdong milyonaryo.

Nang biglang nakita ang nakatago. Manghang-mangha.

“Sandamukal na pera!”

Lalong napaiyak si Paula. “Hu-hu-hu-huuu.”

Natatauhan na si Socrates.

Galit si Caluycoy. “Sa property ko galing ang superr daming perang ‘to!”

Naghihintay ng paliwanag ang milyonaryo, salubong ang kilay.

“Nakuha namin ‘yan sa basement n-ng asylum! Finders keepers!” sigaw ni Paula. “Sa amin na ‘yan, Mr. Caluycoy! Hu-hu-huu.” (ABANGAN)

 

vuukle comment

ANO

APENG

BINULATLAT

CALUYCOY

HU

MR. CALUYCOY

NGAYUNDIN

PAULA

SI SOCRATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with