^

Para Malibang

Isang milyong pisong kilabot (16)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAIS nang mabaliw  ni Paula sa bagong hanay ng kababalaghan. Inaaresto sila ng mga multong baliw—merong nakasuot ng nars, merong pugot ang ulo; merong biyak ang  mukha, nakabaon sa noo ang palakol.

Merong nagbabanta ng kamatayan—nais gilitan ng leeg  sina  Socrates at Paula.

Minsan pang nagsisigaw ang magandang misis. “Ayoko na talaga, hindi ko na kaya ito!”

Surprisingly si Socrates ang buo ang loob. Hindi ito hinimatay; natakot noon sa dagang patiwarik kung maglakad pero hindi sa mga kakilakilabot na mga baliw na multo.

“Mga multo lang kayo! Wala kayong kakayahang pumatay ng tao! Mas takot ako sa mga taong buhay!”

Hinila niya sa multong biyak ang noo si Paula. Ang misis ay nangangaykay sa takot. “Ayoko na talaga, Socrates! Lumabas na tayo! Mamamatay na ako rito; mauulila ang maliliit nating anak “

“Paula, ilan oras na lang tayo  rito! Malapit na nating makuha ang lsang Milyon!”

“Hindi mo ba napansin, Socrates, lalong tumitindi ang pananakot ng mga multo. Aatakihin na ako sa puso, maniwala ka!”

Ayaw paawat ang mga multong baliw, dinala pa rin ang mag-asawa. Sa operating room.

“Eeee! Socrates, saklolo! Itinatali nila ako sa operating table! Bubusbusin nila ako!”

“Anak ng tupapaw! Paula, ililigtas kita!”

Pero tinusok na si  Socrates ng kutsilyo ng multong baliw.

Sa tiyan. Umagos ang masaganang dugo ng mister ni Paula!

Gimbal si Paula, nagsisigaw. Nakita ang nangyari sa asawa. “Eeee! Totoo silang tao! Hindi multo!”

Luwa ang bituka ni Socrates. “Paula, lumabas ka na! Iwan mo na akooo!”

‘Hu-hu-huuu, Socrates! Tatawagin ko ang ambulansiya sa labas! Huwag ka munang mamamatay!” (ITUTULOY)

AATAKIHIN

ANAK

AYAW

AYOKO

BUBUSBUSIN

EEEE

PAULA

SOCRATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with