‘Erythema multiforme’? Last Part
Gamutan sa malubhang sintomas katulad ng:
• Antibiotics para sa impeksyon sa balat.
• Corticosteroids para makontrol ang pamamaga
• Intensive care o burn care unit para sa malubÂhang kaso, Stevens-Johnson syndrome, at toxic epidermal necrolysis.
• Paggamit ng intravenous immunoglobulins (IVIG).
Mga posibleng komplikasyon
• Pagkawala ng fluids (shock)
Sugat sa internal organs na maaaring maging sanhi ng:
• Pamamaga ng puso (myocarditis)
• Pamamaga ng baga (pneumonitis)
• Pamamaga ng kidney (nephritis)
• Pamamaga ng atay (hepatitis)
• Permanenteng pinsala sa balat at peklat
• Impeksyon sa balat (cellulitis)
Ang tamang hygiene at pag-iwas sa ibang tao ay maaaring makapigil sa secondary infections. MaaaÂring gumaling sa sakit na ito 2 hanggang 6 na linggo na maaaring magpabalik-balik. May mga malulubhang kaso na mahirap gamutin katulad ng Stevens-Johnson syndrome at toxic epidermal necrolysis na may mataas na porsiyento ng mortality.
- Latest