^

Para Malibang

Isang milyong pisong kilabot (14)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“SOCRATES, ibang klaseng d-daga ang nasa floor. K-Kakaiba ang kilos,” sabi ni Paula sa katabing mister na abala sa flashlight batteries.

“Paula naman, paanong kakaiba? Sabihin mo na lang…” Ayaw maabala ni Socrates.

“N-Naglalakad pabaligtad ang daga…galit na nakatingin…”

“Ha?” Napatingin na rin sa kinaroroonan ng daga ang mister.

Namangha ring gaya ni Paula, kinabahan. “Anak ng…h-hindi ordinaryong gada ‘yan, Paula! Baka hindi talaga g-gada…”

“Socrates, daga, daga, hindi gada!”

Patuloy sa paglalakad nang pabaligtad ang daga, nanlilisik ang mga mata, nakatingin nga kina Socrates at Paula.

Napakapit lalo sa mister ang magandang misis. “Socrates, tinitingnan t-tayo nang masama, parang mangangagat…”

Kumuha ng pamalo si

Socrates, pinaghahataw ang daga. PAG. PUG. PLAK.

Bawat hataw ay sumapol sa daga. Pero hindi ito nasaktan, balewala ang mga hataw ni Socrates.

Palapit na ito sa mag-asawa.

“Socrates, multo ‘yan…hindi daga ‘yan,” nginig sa takot na sabi ni Paula, nagkanlong na sa likuran ng mister.

Napaurong si Socrates, pinawisan ng malapot. “H-huwag kang lalapit! Binabalaan kita!”

Matalim ang titig ng daga, naglalakad pa rin nang patiwarik, pabaligtad,  palapit nang palapit.

“Sabi ko, huwag kang lalapit!”

Palapit pa rin nang palapit ang daga.

 At mabilis na lumalaki, kasing laki na ng pusa!

Tili na nang tili si Paula. “Eeeee! Eeeee!”

Tumalon kay Socrates ang daga. Sa leeg.

“Uuuunnn.”  Isa sa mag-asawa ang hinimatay sa takot.

Si Socrates.

“Socrates! Eeeee!” sigaw ni Paula, hindi makapaniwalang nahimatay ang mister. (ITUTULOY)

               

 

vuukle comment

ANAK

BRVBAR

DAGA

EEEEE

PALAPIT

PAULA

SI SOCRATES

SOCRATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with