^

Para Malibang

Isang milyong pisong kilabot (13)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“W-WALA na ba talaga ‘yung m-multong putol, ha, Socrates?” paniniyak ni Paula sa mister. Nahimatay ang magandang misis matapos makakita ng kakaibang klase ng multo.

“Nawala ang multo bago ka nagkamalay-tao, Paula  Tingin ko’y napahiya.”

“Napahiya?”

“Oo. Kasi’y nabi­gong manakot. Halos dumikit na kanina sa mukha ko ang nakadidiring anyo, pero tiniis ko talagang huwag matakot.

“Ang nasa isip ko’y kung paano ka gigi­singin, Paula. Masyado akong nag-alala sa iyo na nakalimutan ko ang takot sa multong ‘yon.”

Nakikiramdam pa rin sa paligid si Paula.

“Isa pa, nanghihinayang ako sa Isang Milyong Piso, kung pati ako ay matatakot.  Baka sabay pa tayong tumakbo palabas, e di talo na tayo,” tuloy na paliwanag ni Socrates.

Pilit namang kinakalma ni Paula ang sarili.

 â€œE nakakatakot namang talaga ‘yung multong putol, Socrates. Nakalutang  sa dilim, hanggang dibdib lang ang katawan…

“At ang mukha ng multong ‘yon, nakupo, Socrates--p-pang-horror movie talaga!”

Tumango si Socrates. “Bale ba, Paula, solid ang multong putol na ‘yon, hindi ordinaryong ghost na para lang usok.”

“Kaya nga ako nahimatay sa takot, e. Super-panget na bangungot ang multong ‘yon.” Sumiksik na sa tabi ng mister si Paula.

Saka na nila itutuloy ang pagkain. “Huwag ka talagang lalayo sa tabi ko, Socrates, mamamatay ako sa kilabot, maniwala ka.” Napatingin sa wristwatch si Socrates. Glow in the dark iyon, nababasa ang oras kahit nasa dilim. “Nasa pang-apat na oras pa lang tayo rito sa asylum, Paula. 20 hours pa more or less ang ating bubunuin.” Napapailing ang mister.

May napansin si Paula. “S-Socrates, merong d-daga…” “Daga lang ‘yan, Paula, huwag kang matakot.” Hindi tiningnan ni Socrates ang daga, abala siya sa pag-aayos ng baterya ng isa pang flashlight.  “ S-Socrates, i-iba ang kilos ng daga…” (ITUTULOY)

 

 

 

vuukle comment

DAGA

HUWAG

ISA

ISANG MILYONG PISO

KASI

PAULA

S-SOCRATES

SOCRATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with