^

Para Malibang

Ayaw papuntahin sa abroad ng gf

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Meron po akong gf for 6 years. Nakipag-break na po siya sa akin. Alam ko po na mahal niya ako at hindi ko alam kung ano ang mga dahilan. Nagbabalak po kasi akong mag-abroad at sinabi ko sa kanya na ayos na lahat-lahat. Sinabihan po niya ako na kasabay ng pag-alis ko ay ang kalayaan ko. Ipinaliwanag ko sa kanya para maintindihan niya na hindi ako aalis para sa sarili ko lang, ginagawa ko ito para sa pamilya ko at para na rin sa aming dalawa. Para pagdating ng araw kapag nag-settle kaming dalawa, hindi kami aasa sa mga magulang namin.  Mahal ko siya pero sa kabila ng lahat bakit niya ako nagawang talikuran. Sinabi niya na para sa ikabubuti ko raw ang ginawa niya. Hindi ko po matanggap yung dahilan niya dahil napakababaw. Ano po ba ang dapat kong gawin? - Ambet

Dear Ambet,

Maaring ang nasabi niya ay bugso lamang ng emosyon dahil ayaw niyang umalis ka. Pag-usapan ninyo itong mabuti. Ang isang taong tunay na nagmamahal ay nakikinig sa katuwiran at hindi basta-basta gumagawa ng marahas na desisyon na makakaapekto sa relasyon. Tanungin mo siya sa real score sa inyong dalawa. Hindi ka na ba niya mahal o natatakot lang siya na iwan mo. Siya lang ang makakasagot niyan.

 

Sumasaiyo,

Vanezza

ALAM

AMBET

ANO

DEAR AMBET

DEAR VANEZZA

IPINALIWANAG

MERON

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with