Naudlot na tagumpay
Panaginip: Kakaiba ang taas ng aming bahay. Hirap na hirap ako sa pag-akyat sa hagdan. Pakiramdam ko’y napakabigat ng aking katawan. Pagkarating ko sa second floor ay nakasara pala ang pinto kaya hindi ako makapasok. Mataba ako in real life at totoong nahihirapang umakyat sa matataas ng lugar.---Jerome of Cainta
Interpretation: Mayroon kang pinagsusumikapang maabot o matupad pero hindi ito nagkaroon ng positive result. Ang pag-akyat sa hagdan ay simbolo ng pagsisikap samantalang ang pintong nakasara ay opportunities na naudlot.
Isa pang anggulo ng interpretation ay maaari kang nagsikap na magpapayat ngunit nabigo ka.
- Latest
















