Kung nahihirapang magbuntis
Pumili ng isa sa 8 Feng Shui tips para makamtan ninyo ang inaasahang anak. Mas mainam kung higit sa isa ang inyong gagawin. Ito ay para sa mag-asawang nahihirapang magbuntis pero tiniyak ng doktor na okey ang kanilang reproductive system.
1. Magdispley ng elepanteng ang trunk ay nakababa sa west sector. Himasin ang trunk nang tatlong beses gabi-gabi.
2. Magdispley ng litrato ng prutas na pomegranate sa west sector para sa fertility luck.
3. Magdispley sa west sector ng Laughing Buddha na may katabing mga bata.
4. Maglagay sa west ng crystal lotus. Ilawan sa gabi ang west sector ng salas kahit isang oras lang para ma-activate ang fertility luck.
5. Magsabit ng painting of 100 children or happy baby photo sa west sector ng inyong bedroom.
6. Umulo ang mag-asawa sa kanilang Nien-Nien direction kapag natutulog. Depende ito sa inyong birthday kaya mag-email kayo sa akin para malaman n’yo: [email protected]
7. Suriin ang bedroom kung may poison arrow.
8. Magdispley sa west sector ng salas ng figurine ng batang may hawak o katabing karpa para mapagtibay ang fertility luck.
- Latest