^

Para Malibang

Isang milyong pisong kilabot (5)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAPAIGTAD si Paula sa nais na prize ng wirdong lalake, sakaling matalo ng mga multo sina Paula at Socrates.

“Nababaliw ba kayo, may-asawa akong tao!” galit na reaksiyon ni Paula sa lalaking nakatalikod pa rin habang nakikipag-usap. “Inyo na lang ang Isang Milyon! Hindi na kami sasali ni Socrates!”

“Tatanggihan mo ang One-Million Peso challenge ko, Paula? Maaatim mong balik na naman kayo ng pamilya mo sa hirap?”

Napalunok ang magandang ginang. Naalala ang kinabukasan ng dalawang maliliit na anak. Kapag nanalo sila ni Socrates ng Isang Milyon, makakaahon na sila sa hirap. Hindi na sila titira sa barumbarong; hindi na maaapi sa mundo.

“Wala ka namang gagawin kundi huwag matalo, di ba? Tiisin ninyong mag-asawa ang pakikipagtunggali sa mga multo ko; 24 oras lang naman ang bubunuin ninyo, Paula, and the One-Million cash will be yours! Kayo ng husband mo ang winner, kami ng mga multo ko ang loser!”

Napalunok na naman si Paula. May katwiran ang wirdong lalaki. Nasa determinasyon nilang mag-asawa ang ikapapanalo nila.

Lalabanan nila ang takot. Di ba nga ang takot ay nasa isip lamang?  

Pero naalala na naman ni Paula ang nais na premyo ng wirdong lalake, kung matatalo nga sila.

Maliban daw sa 50 thousand na paunang bayad,  ang pagkababae ni Paula ay aangkinin nang isang gabi ng lalaking wirdo!

“Bakit ako? Maraming mga dalagang puwede ninyong balingan ng inyong desire, why me?”

“Bakit ikaw pa ang gusto ko, Paula?  Dahil ako ang lalaking binigo mo noon sa pag-ibig, 10 years ago!”

Napalunok si Paula. Nagkaideya na kung sino ang lalaking kausap.

“I-Ikaw ba ‘yan, Emil Caluycoy?”

Humarap ito. “Ako nga, Paula.”

“Oh my God, yumaman ka na?” Hindi makapaniwala ni Paula. Dati’y isang construction worker lamang ang manliligaw.

Tumango si Emil Caluycoy. “Sinuwerte ako sa ibang bansa, ginawa kong inspiras­yon ang pagbigo mo sa akin—na sabi mo nga noon ay ‘kukulu-kulo ang tiyan, walang kinabukasan’.  “Bigo ako sa pag-ibig mo at gusto pa rin kita, Paula.

(ITUTULOY)

vuukle comment

BAKIT

BIGO

DAHIL

DATI

EMIL CALUYCOY

ISANG MILYON

NAPALUNOK

ONE-MILLION PESO

PAULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with