^

Para Malibang

Ginugulo ng ex-bf

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Masaya po kami at nagmamahalan ng aking kinakasamang tibo. Hanggang sa guluhin kami ng aking dating bf sa pamamagitan ng mga text at tawag. Nagsimula ito nang malaman ng aking ex na may kinakasama na ako. Nagbanta pa siya na hindi kami titigilan hanggat hindi kami nagkakahiwalay ng aking kinakasama. Mayroon ng gf ang ex ko kaya hindi ko maintindihan kung bakit ginigulo pa niya ako. Nagiging dahilan na ng madalas na pagtatalo namin ng kinakasama ko ang panggugulo niya dahil nagseselos na siya. Natatakot tuloy ako na masira ang relasyon namin ng kinakasama ko. Ano ang pwede kong gawin? - Mona

Dear Mona,

Magpalit ka na ng sim card para tuluyan nang maputol ang ugnayan ninyo ng iyong dating nobyo. Kung manggugulo pa rin siya pwede mo siyang ireklamo sa pulis dahil sa kanyang mga pagbabanta. Sikapin mo ring ipaunawa sa kinakasama mo na walang sino man ang puwedeng sumira ng iyong pagsasama. Makikita naman niya na gumagawa ka ng paraan para iwasan ang ex mo. Iparamdam mo sa kanya na siya lang ang iyong mahal at ang tungkol sa inyo ng ex mo ay isa na lamang nakaraan na matagal mo ng kinalimutan.

vuukle comment

ANO

DEAR MONA

DEAR VANEZZA

HANGGANG

IPARAMDAM

MAGPALIT

MAKIKITA

MASAYA

MAYROON

NAGBANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with