^

Para Malibang

Isang milyong pisong kilabot (4)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

HANDA nang pumirma ng kontrata ang mag-asawang Paula at Socrates; tatanggapin na nila ang hamon ng One-Million Peso challenge ng wirdong owner ng mental asylum.

Naniniwala ang mag-asawa na makaka-survive sila sa loob ng 24 oras  sa nasunog na kulungan ng mga baliw.  Kakayanin nilang huwag matakot sa mga multo doon.

“Ipinatatawag po ni Boss si Mam Paula,” sabi ng tauhan.

Nagkatinginan ang mag-asawa. 

“Bakit ang misis ko lamang? Bakit hindi ako kasama?” tanong agad ni Socrates. Si Paula ay kalmante.

“Hindi ko po alam, Sir Socrates. Basta po si Mam lamang ang ipinatatawag,”  walang emosyong sabi ng tauhan.

“Socrates, baka may lilinawin lamang. Anyway mukha naman siyang gentleman kahit pa weird,” bulong ni Paula kay Socrates.

Nagbilin  siya sa tauhan ng boss. “Pakisabi, susunod na ako.”

“Opo, mam, sige po.”

Nagdiskusyon ang mag-asawa. “Bakit siya nakatalikod makipag-usap?  Bakit hindi siya magpakilala sa atin, Paula?”

“Socrates, ano ka ba? Wirdo nga ‘yung tao. Kaya nga magbibigay ng Isang Milyong Piso.”

“Hindi magbibigay, paghihirapan natin ‘yon ng 24 oras!” pagtutuwid ni Socrates. “Kapag minalas ay talo tayo!”

Napakunot-noo ang magandang ginang. “Bakit iba na yata ang tono mo? Kanina lang sabi mo, wala tayong katalutalo, Socrates.”

Napabuntunghininga ang mister. “Paula, ang sabi ko kapag minalas. E di tiyakin natin na hindi tayo mamalasin. Gano’n lang ‘yon.”

NAKIPAGKITA na nga si Paula sa boss; nakatalikod pa rin ito habang nakikipag-usap.

“Paula, sa bawat contest, gaya nitong One-Million Peso challenge ko, may nananalo at may natatalo. Therefore kapag kayo’y natalo ng mga multo ko, ako ang panalo. Tama?”

“Opo naman.”

“Iba ang premyong gusto kong mapanalunan, Paula.”

Ibinulong ng boss kung ano. Napaigtad si Paula. (ITUTULOY)

 

             

vuukle comment

BAKIT

ISANG MILYONG PISO

MAM PAULA

ONE-MILLION PESO

OPO

PAULA

SI PAULA

SOCRATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with