^

Para Malibang

Isang milyong pisong kilabot (2)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

ANG MAG-asawang Socrates at Paula ay nabigla sa lalaking nasa labas ng kanilang barumbarong. Para sa kanila raw ang dala nitong singkuwenta mil, cash.

Nakatutok sa leeg ng lalaki ang hawak na kutsilyo ni Paula; ang dos por dos ni Socrates ay nakaamba.

Namutla ang lalaking payat-kalbo, ninerbiyos. “Maniwala kayo, hindi ako masamang tao! Talagang para sa inyo ‘tong 50 thousand pesos!”

Hinablot agad  ni Socrates ang sobre ng pera, sinilip.

Tiningnan din ni Paula, natiyak na genuine ang paldo ng pera.

Nagbaba ng armas ang mag-asawa. Pero duda pa rin.

“Kanino galing? Bakit kami binigyan ng pera?” tanong ni Socrates.

“Bigay po ni Boss. Paunang bayad, kung sasama kayo…”

Nagkatinginan sina Paula at Socrates. Pareho ng takbo ng isip. Hindi na nila ibabalik ang pera. Kaila­ngang-kailangan nila ang singkuwenta mil.

“Heto po ang sulat sa inyo ni Boss.”

Sulat-kamay iyon, sa bond paper na walang  letterhead. “Dear Paula and husband, greetings. Iniimbitahan ko kayo na subukan ang kakaibang laro na may premyong Isang Milyong Piso. Wala kayong gagawin kundi manatili ng 24 oras sa isang property ko. Makipagkita kayo sa akin. Huwag sayangin ang pagkakataong ito. –Sincerely yours, Boss.”

“Isang oras lang pong maghihintay sa inyo ang bossing ko, Sir Socrates, Mam Paula. Naghihintay po siya sa yate.”

Saglit lang nag-isip ang mag-asawang sagad sa hirap. Hindi nila palalampasin ang tsansang magkaroon ng Isang Milyong Piso.

Sumakay sila sa limosine na dala ng payat-kalbong lalaki. “Super-yaman po si Boss. ‘Yun nga lang, bigo sa pag-ibig.”

NAKAUSAP nila ang boss.  Pero nakatalikod ito. “Kapag nagkasundo na tayo sa detalye, at nagpirmahan na ng kontrata, saka ako magpapakilala sa inyo, Paula at Socrates.”

Nakalagay sa kontrata ang premyong Isang Milyong Piso—kung makatatagal ng 24 oras sina Socrates at Paula sa lumang mental asylum.

Inalam ng mag-asawa ang history ng mental asylum. Pribadong  kulungan ito ng mga baliw. Nasunog ang asylum at namatay ang lahat ng naroon. Nagmumulto ang mga namatay laluna ang mga baliw. ITUTULOY

vuukle comment

BAKIT

BIGAY

DEAR PAULA

ISANG MILYONG PISO

MAM PAULA

PAULA

PERO

SIR SOCRATES

SOCRATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with