Anong ‘size’ ng ‘penis’ mo?

Marami tayong naririnig na sinasabing basehan kung gaano kalaki ang penis. Dahil hindi naman tahasang maitatanong kung gaano kalaki ang penis at hindi rin naman ito diretsang masasagot ng tinatanong, kung-anu-anong bagay ang ginagawang basehan ng size ng penis.

Narito ang mga paniniwala na basehan ng ‘kargada’ ayon sa listverse.com.

* Sapatos – Ang pinaka-karaniwang ginagamit na basehan ng size ng penis ay ang size ng sapatos.  Kung malaki ang size ng sapatos, malaki rin ang kargada. Seriously!!! Eh paano kung ipinanganak na walang paa? Ibig sabihin ba nito eh walang siyang penis?

* Hinlalaki hanggang hintuturo – Gawing ‘L’ shape ang hinlalaki at hintuturo, ang magkabilang dulo nito ay ang sukat ng penis. Wheh!!! May mga taong malaki talaga ang mga kamay pero kung gagamitin ito, karaniwang image size lamang ang makukuha. Pero hindi naman makukuha ang eksaktong sukat.

* Height – Kapag matangkad daw, malaki rin ang ‘kargada.’  ‘Di nga!!!! Pero base sa mga pag-aaral, walang kinalaman ang height sa haba ng penis. Isipin n’yo na lamang, lahat ba ng nagtatangkarang basketball players ay may mahabang penis?

* Hintuturo – Kung gaano raw kahaba ang hintuturo, times 3 mo ito, ganun kahaba ang penis. Maraming naniniwala rito pero wala namang katotohanan ito.

* Lahi – Sinasabing maliliit ang ‘kargada’ ng mga Asyano at siguradong maraming Pinoy ang tututol dito. Malalaki raw ang sa mga African at average lang daw sa mga Caucasians… Maraming mag-re-react dito.

* Boses – Kapag malalim daw ang boses, malaki raw ang penis. Talaga lang a! Ang size ng penis ay walang koneksiyon sa size ng paa, kamay, daliri, ilong o kahit ano pang bahagi ng katawan.

Pero ang size ng penis ay maaaring maitago ng taba sa base ng tiyan. Kaya kung gusto ninyong lumaki tingnan ang inyong kargada, magbawas ng timbang.

 

Show comments