^

Para Malibang

Ghost train (34)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“VINCENT, huwag mong ilihim sa akin ang hindi ko pa alam tungkol sa ghost train. Magkaibigan tayo.” Humalili ang insecurity kay Nenita.

“Kuwan, kung huwag mo kayang problemahin ang kamatayan?  I mean, nagaganap iyon sa panahong hindi inaasahan, parang magnanakaw sa hatinggabi—kayhirap i-predict, Nenita,”  paiwas na sagot ni Vincent.

“Huwag mong ilihis ang isyu. Ano nga ang dapat kong malaman?”

“Nenita, ganito kasi, base sa relihiyong nakagisnan natin. Ang tao ay kinakategorya na banal o mabait, meaning maka-Diyos, o kaya ay masama o kampon ni Satanas…”

Nakikinig si Nenita, lalong naguguluhan.

“Ang pangatlong kategorya ng tao ay ‘yung medyo masama na medyo mabait din naman…meaning tao lamang na natutukso rin pero gustong magbago; magbalik sa tamang daan…”

“Tulad ng mga nagnanakaw sa pera ng bayan?”

“Aba ewan ko, Nenita,  kung gusto nilang magbago. Ang alam ko’y mamatay na sa kanila ang umamin. Puro walang kasalanan ang mga taong sangkot sa anomalya,  ayon sa kanila.”

“Vincent, ayokong manghula—saktohin mo ang ibig mong sabihin!”

 Napabuntunghininga si Vincent. “Okay, sa simpleng salita, ang ghost train ay si Kamatayan. Nangunguha ng kaluluwa para dalhin sa final destination, batay sa naging buhay nito sa mundo…” 

Nanlumo si Nenita, naunawaan ang ibig sabihin ni Vincent. “Hindi ko tiyak kung may madilim na nakaraan ang nanay ko…at kung meron hindi ko alam kung nagbalik-loob na siya sa Diyos. Hindi palasimba si Inay, hindi rin santa dahil mahilig magmura at magtsismis…”

Napaluha si Nenita, naalala ang mga nagdaang ilang araw nilang mag-ina. “Nakarating na si Inay, kasama ako,  sa mga bansang nais niyang marating bago mamatay. Paris, Venice, Madrid…

“Napaligaya ko si Inay, pero hindi na siya nag-aalala sa akin—na ako’y maiiwan niyang nag-iisa, posibleng ma-rape ng masasamang tao…naging selfish na si Inay…” 

Napalunok si Vincent.

“Posible palang kandidato sa purgatoryo si Inay.” ITUTULOY 

 

vuukle comment

ANO

BRVBAR

DIYOS

HUMALILI

HUWAG

INAY

NENITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with