^

Para Malibang

Nawalan ng tiwala sa sarili

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Mona, 25 anyos at may asawa. Ang problema ko ay ang aking mister. Magmula nang matanggal sa trabaho ay nagbago ang ugali. Naging mapili siya sa trabaho at kung magkaroon man siya ng work ay pinagsasawaan niya agad at bigla na lang hindi papasok. Ngayon ay nasa bahay lang siya. Masipag naman siya sa mga gawaing bahay at pag-aalaga ng aming anak. Pero sa tingin ko ay hindi tama ito dahil lalaki siya at hindi dapat ipaubaya sa akin ang pagha-hanapbuhay. Kulang pa sa pangangailangan namin ang sinasahod ko. Kinausap ko na siya pero mataas ang kanyang pride. Supervisor na kasi siya sa trabahong nawala sa kanya kaya ayaw niyang magsimula sa mababa.  Ano ang mabuti kong gawin?

Dear Mona,

Tingin ko’y na-offend ang ego niya nang mawalan siya ng trabaho lalo pa’t mataas na ang kanyang posisyon. Bilang asawa, tulungan mo siyang makabangon. Mag-usap kayong mabuti at bigyan mo siya ng encouragement na walang masamang mag-umpisa sa mababa at sa pagsisikap ay tataas din ang posisyon niya. Bigyan mo siya ng motivation na may talento siya at masasayang lang ito kung ibuburo lang niya at hindi pagaganahin. Para na rin sa future ng inyong anak kung magsisikap siyang muli.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

ANO

BIGYAN

BILANG

DEAR MONA

DEAR VANEZZA

KINAUSAP

MAGMULA

MASIPAG

NGAYON

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with