Maaaring mabali ang ‘penis’
Kung akala n’yo mga kuya ay invincible ang inyong mga ‘kargada,’ nagkakamali kayo
Alam n’yo bang maaaring mabali ang inyong penis kahit wala itong buto? Hindi ito karaniwang nangyayari ngunit posible. Kahit walang buto ang penis, mayroon itong mga chambers na napupuno ng dugo kapag naka-erect. Ito ay dalawang cylinders na tinatawag na corpus cavernosum na responsable sa erections. Kapag pinuwersa ng maigi at nabaliko ng matindi, maaaring mapunit ang chambers. Puwedeng mangyari ito sa aggressive o acrobatic sexual intercourse at minsan sa agresibong pagma-masturbate. Halimbawa, sa kainitan ng aksiyon ay biglang nahugot si ‘Manoy’at bigla mong ibinaun uli ng buong lakas pero hindi na sa ‘butas’ pumasok kundi bumangga sa katawan ng iyong partner. Bukod sa sakit, maaaring makariÂnig ng tunog o pop. Siguradong mamamaga agad ito at magkakapasa dahil sa dugong makakawala sa cylinder. Maaari ring ma-damage ang tube na pumipiga ng ihi sa katawan (urethra) kaya maaaÂring makakita ng dugo sa urinary opening ng penis.
Mangangailangan ito ng agarang operasyon. Kapag di ito ipinaayos, maaaring ma-deform ang penis o mahirapang mag-maintain ng erection.
(Source: mayoclinic.com at webmd.com)
- Latest