^

Para Malibang

Nililigawan ng beki

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin n’yo na lang po akong Pokwang. Ang problema ko ay tungkol sa isang manliligaw ko na isang beki. Isa siyang beautician at sumasali pa nga sa mga Miss Gay contest sa lugar namin at sa ibang mga barangay kaya kilala ang kanyang kabaklaan. Pero sabi niya born again Christian na siya at nagbago na kaya bigyan ko raw siya ng pagkakataon at sagutin ko siya. Napansin ko nga na hindi na siya nagdadamit babae, wala na ring make-up at gupit lalaki na. Pero baklang-bakla pa rin ang kilos n’ya. Natatakot ako na baka gusto lang niyang magkaanak kaya nililigawan ako. Hindi naman ako maganda at wala pa akong naging bf.  Baka sabihin ng mga tao na kaya ako pumapatol sa kanya ay para lang magkaroon ng bf dahil napag-iiwanan na’ko ng biyahe. Ano po sa tingin ninyo?

Dear Pokwang,

Posibleng baguhin ng Diyos ang isang tao. Gayunman, ang kilos ng isang bakla ay hindi mada­ling baguhin. Ang importante ay ang pagbabago ng kanyang kalooban. Pero bago ka makipagrelasyon sa kanya, tanungin mo muna ang sarili mo kung may pag-ibig ka sa kanya? Kung wala at natatakot ka lang mapag-iwanan ng last trip, huwag mo nang ituloy. Pero kung umiibig ka ng tapat at ganundin siya sa iyo, huwag mong intindihin ang sasabihin ng iba. Ang mahalaga ay nakatagpo ka ng lalaking mamahalin. Sa dakong huli, desisyon mo iyan at ikaw lang ang makapagpapasya.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ANO

DEAR POKWANG

DEAR VANEZZA

DIYOS

GAYUNMAN

ISA

MISS GAY

NAPANSIN

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with