^

Para Malibang

Walang manliligaw

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po’y 35 years old na at naghahabol na sa biyahe dahil walang nanliligaw sa akin. Hindi naman ako nagtataka dahil aminado ako na hindi ako maganda. Kaya nang makilala ko si “Rod”, isang driver ay kinaibigan ko nang husto. Bukod sa nalilibre ako sa pamasahe, gusto ko ring ligawan niya ako. Nangyari naman ang gusto ko. Kahit alam kong may asawa na siya at anak, pinatulan ko pa rin siya. Sa kabila nito ay umasa rin ako na sana ako na ang tuluyan niyang pakisamahan. Kaya inalok ko siya na magsama na lang kami at tutumbasan ko ang kita nya sa pagmamaneho. Pero hindi siya pumayag. Mahal daw niya ang kanyang pamilya at takot siyang makarma dahil may mga anak siyang babae. Mula noon ay hindi na nakipagkita pa sa akin si Rod. Masakit tanggapin ang katotohanan na hindi nga pala ako puwedeng magdikta sa kanya dahil past time lang niya ako. Hanggang ngayon ay umiiyak pa rin ako. - Leya

Dear Leya,

Mabuti at nagising ka sa isang masamang panaginip. Ang pag-ibig ay kusang dumarating kung talagang ukol para sa iyo. Hindi pinipilit at hindi sapilitang hinahanap kung wala pang tamang lalaking dumarating sa buhay. Hindi porke’t nagkakaedad ka na, kahit sino na lang ay aakitin mo para lang magkaroon ka ng isang nagmamahal. Mahirap din na ikaw lang ang nagmamahal dahil ang pag-ibig ay kailangang may katugong damdamin mula sa iyong minamahal. Huwag mo ng iyakan pa ang nagawa mong kamalian. Tandaan mo na lang ito at huwag nang muling uulitin dahil ikaw lang ang masasaktan.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

AKO

BUKOD

DAHIL

DEAR LEYA

DEAR VANEZZA

HANGGANG

KAYA

LANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with