^

Para Malibang

Bugnutin si misis

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po’y may asawa at anak. Ang problema ko po ay tungkol sa aking misis na bugnutin. Ang pinaka ayaw ko sa kanya, kapag nagtatalo kami ay nagbabasag siya ng gamit namin sa bahay. Malapit nang maubos ang pasensiya ko sa kanya. Feeling ko insecure siya lagi. Pati mga kapatid niya na kasama ko sa bahay kapag nag-aaway sila pinapalayas niya. Naaawa ako sa mga kapatid niya. Mara­ming beses ko na siyang kinakausap pero ang hirap po niyang paliwanagan. Mahal ko ang asawa ko at pamilya ko kaya tinitiis ko ang ugali niya at lagi ko siyang iniintindi. Kaya lang baka hindi ko na makayanan at hiwalayan ko siya. Anong dapat kong gawin? - Serdan 

Dear Serdan,

Alamin mo ang dahilan ng pagiging bugnutin ng asawa mo. Ang tao ay hindi bast-basta umaakto nang kakaiba nang walang dahilan. Sabi mo baka insecure. Tanungin mo ang iyong sarili, may dahilan ba para siya mainsecure? Hindi ka kaya nagkukulang ng atensiyon sa kanya? Ang sino mang asawa na naghahanap ng atensiyon at kapag nagkukulang ka ay posibleng mitsa ito ng kanyang pagsusungit. Ipasyal mo siya kahit minsan sa isang Linggo. Baka puro trabaho na lang at wala na kayong quality time. Importante ang bonding sa mag-asawa.

vuukle comment

ALAMIN

ANONG

DEAR SERDAN

DEAR VANEZZA

IPASYAL

KAYA

LINGGO

MALAPIT

NAAAWA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with