^

Para Malibang

Gayuma

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako ay binata pa rin. Sa edad kong 28 years old ay hindi pa ako nagkaka-gf.  Kulang kasi ako sa gandang lalaki. Ang itsura ko’y isang anyong tanging ang nanay lang ang magmamahal. Lagi akong bigo kaya nadala na akong manligaw. Pero may nagugustuhan akong babae. May nagpayo sa aking kumonsulta ako sa isang eksperto sa gayuma. Ibigay ko lang daw ang larawan ng babae at iibigin din ako. Ok lang bang gamitan ko ng gayuma ang babaeng napupusuan ko? - Loveless

 

Dear Loveless,

Maging maginoo ka at mabait at walang dahilan para itakwil ka ng babae kahit ikaw ay pangit. Iyan ang tunay na “gayuma.” Ang busilak na kalooban at katapatan ang tunay na pang-akit hindi lang sa kasintahan kundi kahit sa mga kaibigan. Marami riyan na kahit hindi guwapo ay nakakakuha ng magandang nobya o asawa. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Ang panlabas na kagandahan ay kumukupas pero ang mabuting kalooban ay panghabambuhay.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

DEAR LOVELESS

DEAR VANEZZA

HUWAG

IBIGAY

IYAN

LAGI

MARAMI

PERO

SUMASAIYO

VANEZZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with