^

Para Malibang

Ghost train (16)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NATIGILAN si Vincent sa deklarasyon ni Nenita. Sila raw ay parehong tinutukso ng demonyo; na pinagkalooban sila ng 500 thousand each ng ghost train para magbilang ng pera sa makasalanang motel.

Inamin pa ni Nenita na siya ay muntik na ring maghubad, para samahan sa paliligo si Vincent. Patunay daw iyon na sila’y tinutukso ng demonyo.

Napalunok ang binata.”Ibig mo bang sabihin, Nenita, ang ghost train ay kasangkapan ng demonyo?”

“Sakto, Vincent! U-umalis na tayo rito. H-huwag tayong patukso. Pook ng tukso ang lugar na ‘to!” Nagyayaya na si Nenita, kapit ang handbag na puno ng kanilang pera.

“A-ang totoo’y nais kitang… hagkan, Nenita. N-natutukso ako…tayo lang dalawa…”

“Putang ama, Vincent! Kalabanin mo ang tukso! We are both decent people!” Itinulak ni Nenita ang binata. Tagg.

Bumagsak sa kama si Vincent, nahubad ang taping tuwalya.

“Eeeek!” Nakita ni Nenita ang di-dapat makita sa binata. Nagtakip agad siya ng mga mata. “Ano ‘ka ba, Vincent?”

“Jeez, Nenita, itinulak mo ako kaya ako napa­tihaya! Hindi ko kusang tinanggal ang tuwalya!”

Galit na bumangon agad si Vincent, tinakpan ang kahubaran. “Tatlong beses mo na akong nakitaan. Damn!”

“I never enjoyed it, Vincent, maniwala ka! Nahahalayan ako! Napakahinhin kong dalaga! Hindi ako nagwawala!”

Para namang natauhan si Vincent, nagbihis na sa loob ng banyo. Nang lumabas ay nagyaya na ring umalis doon. “Tara! Bago na naman ako matukso! Matindi nga ang kamandag ng devil sa lugar na ‘to, Nenita!”

SA SIMBAHAN sila nagtuloy, bukas pa ang adoration chapel doon.

Taimtim silang nagdasal na sana’y tulungan sila ng Diyos sa tamang gawin sa malaking pera.

Nadama naman nila ang patnubay ng Langit.

Maingat na binuksan nila ang handbag, naroon pa rin ang napakalaking pera na katumbas ng isang milyon. (ITUTULOY)

 

vuukle comment

AKO

ANO

BUMAGSAK

DIYOS

EEEEK

GALIT

IBIG

NENITA

VINCENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with