^

Para Malibang

Aquarium: Paano magiging pampasuwerte?

SINUSUWERTE KA! - Fortuna - Pang-masa

Sa Feng Shui, ang tubig ay simbolo ng kayamanan. Ang salitang “fish” sa Mandarin ay binibigkas na kasingtunog ng “excess” (sobra). Kaya ang pag-aalaga ng isda ang isang paraan para maging sobra-sobra ang iyong kayamanan.

Kung interesado kang maglagay ng aquarium para ma-activate mo ang “wealth energies” sa bahay at opisina/shop, dapat lang na pag-aralan mo ang tamang paraan ng pagset-up nito.

Saan dapat ilagay ang aquarium?

Ang wealth energy ay namamahay sa harapan at likuran ng bahay. Pero madalas ay bedroom o kitchen ang nasa likuran ng bahay kaya’t huwag na nating pagbalakan pang ilagay dito ang aquarium.

Mas mainam na ilagay ang aquarium sa harapan ng bahay malapit sa front door. 

Ano ang dapat na korte ng aquarium?

Ang pagbili ng maling korte ng aquarium ay makakaapekto sa kalusugan ng mga nakatira sa bahay.

Ang pinakamagandang korte ng fish tank o aquarium ay bilog o oblong. Bakit ito ang magandang korte? Dahil wala itong kanto na magiging poison arrow. At alam nating ang poison arrow ay perwisyo sa kalusugan ng tao. Ang bilog na korte ay kabilang sa metal element. Compatible ang water at metal element. Pero kung wala kayong mahanap na oblong o bilog, puwede na ang rectangle shape dahil hindi naman ito masama, at the same time, hindi rin maganda. (May karugtong)

ANO

AQUARIUM

BAHAY

BAKIT

DAHIL

KAYA

PERO

SA FENG SHUI

SAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with