^

Para Malibang

Aswang family (70)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAGLABASAN nang mga sumunod na araw ang iba’t ibang headline sa mga pahayagan.

LULAN NG MISSING PLANE NATAGPUAN NA

“INILIGTAS KAMI NG DIWATANG NAKABIKINI”

KAPRENG BADING SA SURVIVORS NAWAWALA

`Nakarating na sa mga miyembro ng Aswang Family ang pagkawala ni Mang Sotero; noon lang din nila nalamang kasama ni Adwani sa pagliligtas sa mga sakay ng eroplano ang kapreng bading.

“Saan na nagpunta si Itay?”

“Shalina, anak, an’ sama-sama na ng pakiramdam ko…”

Ihiniga ni Shalina sa kama si Aling Mameng. “Magpahinga kayo, Inay…huwag kayong mawalan ng pag-asa, uuwi rin si Itay.”

Maging si Greco ay naguguluhan. “Baka naman nilunod na ni Adwani ang biyenan ko?”

“Ang hindi ko maintindihan, bakit biglang nagpakabayani ng diwatang masama? At isinama pa daw ang tatay ko, Greco.”

“Baka gumimik lang si Adwani, nais sumikat?”

“Ayon sa mga survivors, iniwan ng diwatang nakabikini ang Itay…”         

“Shalina, kapag nakabalik ang tatay mo—saka lang natin masasagot ang mga tanong.”

Ang klaro ay hindi na sila nagiging mga aswang habang wala pang new moon. Natupad ang sabi ni Adwani na sila’y magiging pamilya ng mga aswang tuwing kabilugan ng buwan lamang.

LUMIPAS ang mga araw na normal ang takbo ng buhay nina Greco, Shalina at Aling  Mameng. Nanatiling walang balita kung ano na ang nangyari kay Mang Sotero.

“Greco…palapit na naman ang new moon…”

Napabuntunghininga ang lalaking nagiging tikbalang. “Kung puwede nga lang bang wala na lang pagbibilog ng buwan, Shalina…”

Si Aling Mameng ay patuloy sa paghahanap kay Mang Sotero.

“Hinahamon kita, Adwani! Magpakita ka! Lumaban ka sa’kin nang patas! Ang panalo ang magmamay-ari kay Soterooo!” sigaw ni Aling Mameng, nasa liblib na teritoryo ng bad fairy.  (ITUTULOY)

 

 

vuukle comment

ADWANI

ALING MAMENG

ASWANG FAMILY

AYON

MANG SOTERO

SHALINA

SI ALING MAMENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with