8 Paraan Para Hindi ‘Magtampo Ang Pera
Ayusin ang pera sa iyong wallet. Huwag haÂyaang gusot ang perang papel na nakatago sa wallet.
Magbayad ng utang o anumang bills sa takdang oras.
Gumastos nang tama. Ang pera ay nilikha para gastusin. Hindi maganda ang epekto ng sobrang kakuriputan na halos hindi na gumagastos. Ang pera ay dapat na gastusin upang maging tuloy-tuloy ang ikot nito. Kung iipitin o itatago ito, titigil ang pag-ikot at hindi madi-distribute ang pera sa sanlibutan. Mas lalong mainam kung gagastusin mo ito sa charity.
Huwag hayaang pakalat-kalat ang pera.
Ang mga barya lalo na ang maliiit na halaga ay hindi na ngayon pinapansin. Ipunin ito sa isang lagayan at ilagay sa wealth area, Southeast. Magiging magnet ito para dumating ang mas marami pang pera.
Lagyan ng maayos na cover ang bankbook o checkbook. Masuwerte ang cover na green at purple. Itago ito sa wealth area, Southeast.
Panatilihing malinis at maayos ang wealth area ng bahay o kuwarto.
Laging magpasaÂlamat sa gabi bago matulog sa grasyang natanggap sa maghapon gaano man ito kalaki o kaliit.
- Latest