^

Para Malibang

Aswang Family (65)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAKIKAIN na rin sa masaganang hapunan ng survivors ang bading na kapre. Nalunasang pansamantala ang gutom at uhaw sa islang mabato.

“Ikwaw, Fairy, kain na rwin!” anyaya ng kapre kay Adwani.

Nakangiting umiling ang masamang diwata. “Bakla, hindi ako kumakain ng pagkaing-tao .”

“Kaswi’y tao ang kinakain mwo, Adwani! Hi-hi-hi.”

Sumeryoso ang mukha ng bad fairy na nakabikini. “Usap tayo pagkakain mo, bakla. Sa dulo ng beach.”

“Oo, darating akwo, dah’ling! Uupakan kwo muna ‘tong adobwong manwok at nilagwang bakwa.”

“Hinding-hindi ko malilimutan ang feeling na ‘to—na ako’y nakagawa ng kabutihan…na ako’y iti­nuring na superhero. An’ sarap ng pakiramdam talaga.”

“Heaven, di bwa?”

“Oo, bakla. Heaven.”

“Ayy, bawal ka duon, di bwa?”

Nanlumo ang bad fairy. Bawal nga siya sa Kaha­rian ng Diyos.

Lumakad nang papunta sa dulo ng beach si Adwani. “Tandaan mo, bakla, mag-uusap tayo.”

Tumango ang kapreng bading. “Yes, mahal kwong diwata—see yours! Ayy, mali—see you palwa!”

BAGO lumubog ang araw, magkausap  na nga sina Adwani at Mang Sotero. Nakasalampak  sila sa batuhang nasa gilid ng dagat.

“Sotero, nasusuklam ka ba sa akin?”

Naging matapat ang bading na kapre. “ Oo, Adwani, kapwag akwo’y nasa normal kwong katauhan—isinusumpa kitwa…laluna’t idinamay mwo ang akwing buong pamilya…”

Napalunok ang masamang diwata, nagtangkang huwag mahabag sa sarili. “Hindi mo kasi alam ang sakit na dinulot mo sa akin, Sotero—pinakasalan mo si Mameng kahit mainit na mainit ang ating love affair…”

Hindi makaimik ang bading na kapre.

“Anyway, matapos kong maging superhero, ipinasya ko nang totally ay kalimutan ka, Sotero…Ikaw at ang Aswang Family mo—buburahin ko na sa mundo!” (SUBAYBAYAN)

vuukle comment

ADWANI

ASWANG FAMILY

AYY

BAKLA

BAWAL

DIYOS

MANG SOTERO

OO

SOTERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with