^

Para Malibang

Aswang family (63)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

SA PACIFIC Ocean, hinahampas ng sama ng panahon ang mga survivors ng eroplanong nag-crash. Mabaliw-baliw na sa takot ang lahat.

“Utang na loob, Miss Fairy, gumawa ka uli ng magic! Be a hero!” sigaw ng kapitan ng eroplano.

Nagtitilian ang kababaihan, nag-iiyakan. “Eeeeee! Hu-hu-hu-huuu!”   Maging ang bading na kapre, si Mang Sotero, ay nagmamakaawa na. “Ayokwo pang mamatway, Adwani! Gustwo kwo pang makitwa ang pamilya kwooo!”

“Hoy, bakla, hindi mo ba alam na ako ma’y takot na takot din? Hindi ko tiyak kung kaya ng powers ko ang galit ng kalikasan!”

“Just do it, Miss Fairy!” sigaw ng kapitan.  “Tutulungan ka ni Lord!”

Napaigtad ang bad fairy, alam na kaaway siya ng Diyos. “S-susubukan ko, Kapitan! Bahala na!”

Sumipol nang pagkalakas-lakas si Adwani, sabay kumpas sa bugso ng hangin. TWIIIITTTT.

Isang balyenang ‘sing-laki ng barko ang big­lang lumitaw, nakanganga sa mga nasa lifeboats.

AAAHHH. EEEEEE.LALAMUNIN TAYOOO!

Bago pa namalayan ng mga survivors, hinigop na sila ng super-giant balyena. SWOOOSSS.

Kasama nila sa loob ng balyena ang bad fairy at ang kapreng bading. Kaybilis ng langoy ng magical balyena; ewan kung saan pupunta.

BRAAMM. Isinadsad nito sa beach ng isla ang super-laking katawan.

Saka biglang naglaho—naiwan sa katihan ang mga lulan ng eroplano, pati ang bad fairy at ang kapreng bading. Humalik sa lupa ang ilang survivors; ang iba pa’y naluha sa galak.

“BUHAY TAYONG LAHAT! HINDI TAYO PINABAYAAN NG DIYOS! GOD IS GREAT!” sigaw ng kapitan, yakap ang mga survivors.

Ang bad fairy at ang baklang kapre ay luhaan, napatingala sa langit. Naunawaang tama ang kapitan—hindi sila binigo ng Diyos.

Nilapitan sila ng mga iniligtas, abut-abot ang pasasalamat. Hindi na naiilang sa dalawang nilalang ng dilim.

Niyakap pa nga sila ng mga ito. Laluna ng kapitan. “Thanks, guys! You are our heroes!”  (ABANGAN)

 

 

 

ADWANI

AYOKWO

BAHALA

DIYOS

EEEEEE

FAIRY

MANG SOTERO

MISS FAIRY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with