‘Priority’ at hindi ‘option’ lang
Dear Vanezza,
Ako po si Thea. Naiinis po ako kasi nalaman ko na nakikipagmabutihan pala ang bf ko sa ex-gf niya na high school sweetheart niya. Dahil mahal ko siya kaya pinababayaan ko pero sa loob ko ay galit na galit ako. Halos araw-araw minumura ko ang babaeng yun at lahat na yata ng masasakit na salita sa kanya sinasabi ko sa aking sarili para lang maibsan ang galit na nararamdaman ko. Hindi ko naman magawang hiwalayan ang nobyo ko at ipaglalaban ko ang relasyon namin. Kaya lang nahihirapan akong ibalik ang dating pagtitiwala sa bf ko. Ano po ba ang dapat kong gawin?
Dear Thea,
Hindi puwedeng gf ka niya tapos makikiÂpagbalikan siya sa ex gf niya. Para siyang namamangka sa dalawang ilog. Dapat siyang magdesisyon kung sino sa inyong dalawa. Kung kaya mong tanggapin ang ganyang set-up nasa sa’yo. Kung hindi, walang dahilan para pahirapan mo ang iyong sarili. Alalahanin mong deserved mo na maging priority at hindi option lang sa buhay niya. May darating pa rin sa buhay mo na ikaw ang magiÂging number 1 sa buhay niya
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest
















