^

Para Malibang

‘Second chance’?

IDAING MO KAY VANEZZA - The Philippine Star

Dear Vanezza,

Sa loob ng 5 years naming pagsasama ng aking asawa ay puro away-bati ang laging nangyayari sa amin. Ilang beses na rin po kaming nagtangkang maghiwalay ngunit pilit lang naming inaayos para sa aming anak. Nitong huli, ang pagkadiskubre ko sa cell phone niya na may ka-textmate siyang babae ang tuluyang nagpalabo sa sitwasyon na­ming mag-asawa. Dahil sa ginawa ko raw ay wala nang chance na maayos ang aming pamilya. Naawa po ako sa anak ko dahil lalaki siyang broken family. Sinubukan kong kausapin ang asawa ko pero ayaw na raw niya talaga. Dahil wala naman daw mangyayari, mag-aaway lang kami ng paulit-ulit. Kung sakali po bang makapag-isip na siya ng mabuti at siya naman ang humingi ng pagkakataon na maayos kami ay tatanggapin ko ba siya? - Ane

Dear Ane,

Ang pagsasama ng mag-asawa ay sagrado at dapat laging pinagsisikapang i-preserve ang pamilya lalo pa’t may anak. Ngunit kung minsan may mga pagkakataon talagang ayaw nang makipagkasundo ng isa. Kung sa palagay mo ay kaya mo pang magsakripisyo at magtiis, bigyan mo siya ng isa pang pagkakataon. Pero kung nakikita mo naman na wala na siyang balak pang ayusin ang inyong pagsasama sa kabila ng iyong pagtatangka, ipasa-Diyos mo na lang ito. Talagang ang pag-aasawa ay may lakip na sakripisyo na dapat harapin ng tao.

DAHIL

DEAR ANE

DEAR VANEZZA

DIYOS

ILANG

NAAWA

NGUNIT

NITONG

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with