^

Para Malibang

Aswang Family (58)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

SAGAD ang mangha ng mga lulan ng eroplano—hindi akalaing lulutang pa ang sasakyang panghimpapawid matapos bumulusok sa pusod ng dagat. At alam ng lahat na ang dalawang kakaibang nilalang ang nagpalutang sa eroplano!

“Patay na ba tayong lahat, ha?  Kaya ba nakakaranas at nakakakita tayo ng m-mga imposible?”

“H-hindi mga anghel ang dalawang ‘yan! Walang anghel ng Langit na nakabikini!”

“At butterfly wings pa! Hindi ito totoo! Baka nga patay na tayong lahat!”  Sari-sari ang reaksyon; hindi makapaniwala.

Laluna silang naintriga sa kasama ng nakabikini. “ ‘Yung matandang kapre—halatang bading!”

“Oo nga, kaya merong pink wings!” 

Nagpapaka-super hero naman si Adwani. napakabait na kinausap ang mga lulan ng eroplano.

“Huwag kayong matakot sa akin, mga passengers and crew! Buhay pa kayong lahat at ako ang magliligtas sa inyo!” nakangiting sigaw ni Adwani.

“Tekwa, tekwa, paano akwo? Bakwit solo mo lang, Adwani?”

Hindi pa rin mapalagay ang mga lulan ng eroplano. Nawiwirduhan sila sa dalawang kakaibang nilalang.

“Ito pong katabi ko, dear passengers and crew, ay ang aking utusan forever—ang bading na kapre!”

Bago pa nakapagtanong ang mga tao ay nakapag-magic agad ng tatlong malalaking lifeboats ang diwatang masama.

Pop. Pop. Pop.   Mula sa wala, nagsulputan sa tapat ng exit ng eroplano ang mga sasakyan ng kaligtasan.

Hindi na nagdalawang-isip ang lahat ng lulan ng eroplano, kanya-kanya nang talunan sa lifeboats.

Nakaalalay naman bilang rescuers sina Adwani at Mang Sotero; ilang na ilang sa nakabikining diwata ang mga survivors; mas ilang sa bading na kapre with pink wings.

“Ate, baka puwede—akwin na lang ‘yang make-up kit mwo!”

“Opo-opo, ser, este, mam! Inyo na po ito!” (ITUTULOY)

vuukle comment

ADWANI

BAKWIT

BUHAY

HUWAG

INYO

MANG SOTERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with