^

Para Malibang

Aswang family (56)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

SAMPUNG oras nang tangay ni Adwani ang ex-lover na matanda na—si Mang Sotero. Naghihiganti pa rin ang bad fairy.

Kung saan-saan na nailipad nang patiwarik ng bad fairy ang nagtaksil na lover --na sa gabi ay kapreng bading.

Nasa tapat sila ng Pacific Ocean, sa bahaging nakaharap sa eastern seaboard ng ‘Pinas.

Sa tagal ng pagpapahirap ni Adwani kay Mang Sotero, halos inabot na sila ng gabi sa ibabaw ng karagatang iyon.

Naglisaw ang mga pating. “Nahulaan mo na ba ang gagawin ko sa iyo, ex-lover of mine?” malanding tanong ng bad fairy.

“Hirap na hirap na ako, Adwani, ilaglag mo na ako sa dagat para matapos na…”

“Ang alin, Mang Sotero a.k.a. lover boy? Alin ang dapat matapos na?” pagklaro ng modernang diwatang super-sama.

“Ang aking buhay…Adwani…dapat matapos na. ipakain mo na ako sa pating…”

Inabot na sila ng dilim, tanglaw ang buwan. “Bago kita patayin, ex-lover, gagawin muna kita uli na…kapreng bading. Voila!”

Biglang naging bading na kapre nga ang nakabiting patiwarik.

“Ilaglag m-wo na ak-wo, Adwani, ayo-kwo na…hu-hu-huu.”

“Gugutayin ka ng mga pating, Tandang Sotero. Napakasakit na kamatayan!”  Tumapat sila sa mga pating.

WUUUNNGGG.

Napaigtad ang masamang diwata, nabingi sa napakalakas na ingay mula sa himpapawid.

Nagimbal ang bad fairy at ang kapreng bading, kitang-kita ang bumubulusok na eroplanong malaki. International flight.

EEEEE! tili ni Adwani.

“NAKUPWOOO!” sigaw ng bading na kapre.

SPLASSSHH.  Bumagsak na sa dagat ang passenger plane, una ang ulo, tuluy-tuloy sa ilalim.

Yanig na yanig si Adwani at ang kapreng ba­ding. Ga-hibla lang ang pagitan nila sa bumagsak na eroplano.

“Adwani,  iligtwas natwin ang mga sakway! Dalwi!” (ITUTULOY)

ADWANI

BIGLANG

BRVBAR

BUMAGSAK

DALWI

GUGUTAYIN

MANG SOTERO

PACIFIC OCEAN

TANDANG SOTERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with