^

Para Malibang

Aswang family (46)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

DADALHIN na ng mga awtoridad ang putol na pang-ibaba ng manananggal. Babalutin ito ng transparent plastic saka bubuhatin.

“Napakaseksi pala nito, officer,” malisyosong pansin ng isang hospital attendant na lalake, habang naglalagay ng plastic.

Tinaliman ito ng tingin ng matinong alagad ng batas. “Kontrolin mo ‘yang libido mo, bro. Mahiya ka naman.”

“Nagbibiro lang po, officer.” Pero ang bastos na attendant ay sinilipan pa ang kaputol ng seksing manananggal.

SI GRECONG tikbalang ay may sentido-kumon. Nagbabantay siya sa labas ng ospital; halos nahulaan ang nagaganap kay Shalina.

Nasa madilim na sulok siya, sa likod ng mga nakaparadang sasakyan. Tanaw niya ang ICU ng ospital.

Duda ang tikbalang sa presencia ng police car. Tiyak na iniimbestigahan na ang kaputol ni Shalina; alam na  nakalipad ang pang-itaas na katawan ng asawa.

Kung anu-ano ang naiisip ni Grecong tikbalang. Ano ba ang gagawin ng mga alagad ng batas? Babantayan sa mismong kama sa ICU ang pang-ibaba ni Shalina?

 Baka naman tuturukan na ng kung anu-anong gamot ng duktor?

Baka gagawing exhibit sa lobby ng ospital—siguro’y nakalagay sa loob ng transparent glass container na puno ng formalin o anumang pampaantala ng pagkabulok?

Sumingkit ang mata ng tikbalang, galit. “Magkakamatayan muna! Hindi nila puwedeng pakialaman ang kalahati ni Shalina!”

SA HIMPAPAWID, iba ng namataan ni Shalinang manananggal. Hindi si Grecong tikbalang kundi ang ama—ang kapreng bading.

“S-Saan pupunta ang tatay ko? Bakit aalialigid sa karaoke bar?”

Bumaba siya ng lipad, dumapo sa bubong ng panggabing aliwan.

May babaing kumakanta doon, ka-duet ang baklang host. “Together again…all my tears stop falling…”  Biglang pumasok doon ang kapreng bading. “Pasali naman ako, mga sis…” pakiusap nito, kumekembot. “Eeeeee!” Takbuhan sa takot ang mga tao. (ITUTULOY)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

vuukle comment

ANO

BABALUTIN

BABANTAYAN

BAKIT

BIGLANG

BUMABA

GRECONG

SHALINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with