^

Para Malibang

Sayaw at ‘love life’

Pang-masa

Ang relasyon ng dalawang tao ay maihahambing sa pagsasayaw. Dahil kapag nagsasayaw ang isang mag-partner, kailangan nilang magkaroon ng kooperasyon sa kanilang mga galaw upang makasunod sa tempo ng musika. Pero sa totoo lang, mayroong literal na benepisyo ang pagsasayaw sa magkarelasyon.

Bonding – Ang mag-partner na magkasama sa anumang gawain o activities ay nagkakaroon ng mas matibay na samahan. Kaya kapag sabay kayong nag-aral ng pagsasayaw, mas marami kayong oras na magkasama, magkausap at higit sa lahat mahaba ang oras niyo sa pagtatawanan.

Mas malawak na pang-unawa – Kapag magkasama kayong nagsasayaw, tiyak na matututunan ninyong dalawa ang isa’t isa sa kilos lang kahit walang salita. Mas magiging malalim ang pang-unawa mo sa kanya kahit sa simpleng pag-igkas ng kanyang kamay.

Pagkakaisa – Sa pagsasayaw makakakuha rin ng pagkakaisa, dito ay mapapaunlad na magkaroon ng iisang “goal” sa buhay at pagtitiwala sa iyong partner. Kapag nagsasayaw din, matututunan na makalimutan ang ego  o pride ng isa’t isa. Palagi ninyo kasing iisipin ang pangangailangan na magkaroon ng iisang kilos at isip.

Nagbibigay ng init sa inyong dalawa – Ang mga sayaw gaya ng Salsa at Tango ay kilalang mga sayaw na “seductive” o may pang-akit sa emos­yon. Sa oras na magsimulang sayawin ang mga tugtuging ito, tiyak na makakaramdam ng kuryente sa katawan na muling magpapainit sa inyong nanlalamig na relasyon.

Creative - Kapag palagi kayong magkasama, kahit sa pagsasayaw, kapwa kayo magiging malikhain at sabay na made-develop ito sa inyo. Hindi ninyo namamalayan na tila nagkakaroon ng isip ang bawat bahagi ng inyong katawan na nagkukusang gumalaw ng may “art” sa isa’t isa.

vuukle comment

DAHIL

ISA

KAPAG

KAYA

NAGBIBIGAY

PAGKAKAISA

PALAGI

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with