^

Para Malibang

Aswang family (43)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAGHAHABOL na ng mga sandali si Greco. Kaylayo pa niya sa ospital na kina­roroonan ni Shalina at pasungaw na ang buwan.

Magiging tikbalang siya anumang oras.

Lakad-takbo na si Greco, kailangan mababalaan niya si Shalina pati mga biye­nan niya.

Kung siya’y magiging tikbalang sa gabing ito, tiyak na magiging nilalang din ng kadiliman ang mga kapamilya.

Si Shalina bang misis niya’y biglang magiging manananggal habang nasa ICU ng ospital?

Si Itay Sotero ba niya’y magiging kapreng bading?

At si Inay Mameng niya—magiging huklubang aswang?

May mangilan-ngilang pampasaherong dyip na nagdaraan pero wala siyang perang pamasahe; ayaw siyang isakay ng mga pribadong sasakyan.

“Mga bossing, para! Makikiangkas!” sigaw niya sabay sen­yas sa padaang trak ng maggugulay.

Screeeechh. Big­lang preno ng vegetable dealer, naawa siguro kay Greco. Pinasakay ito sa walang laman na likuran ng trak.

Saglit pa’y nagpatuloy na ang sasakyan. Bruuummm.

Laganap na ang dilim. Ang buwan ay sumusungaw na sa makapal na ulap ng gabi.

Ang driver at katabing pahinante ng trak ay walang pakialam sa nakisakay sa likuran; nagtatawanan ang mga ito habang nagkukuwentuhan ng kabastusan. “Ha-ha-ha-ha!”

Naramdaman ni Greco ang unti-unting pagbabago ng katauhan. Bumabanat ang kanyang balat, umiitim; humahaba ang kanyang mga bisig at paa, tinutubuan ng masinsing balahibong matitigas.“Hiinnng.” Napaungol siya, pahaling­hing. Nagiging apat ang kanyang mga paa—paang tulad sa kabayo. Humahaba na rin ang kanyang mukha, nag-iiba ng korte. Korteng mukha na ng pangit na mola. “A-hii-iii-iinng!” halinghing na ni Greco, habang dumadamba sa likuran ng vegetable truck. Ganap na siyang tikbalang. Tumatadyak. Tad-tad-tadd. (ITUTULOY)

 

 

vuukle comment

BRUUUMMM

BUMABANAT

GANAP

INAY MAMENG

NIYA

SHALINA

SI ITAY SOTERO

SI SHALINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with