^

Para Malibang

Aswang family (42)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAGING ilog nga ang dinaraanan ng mga kasunod ng kotse nina Adwani at Greco. Naglubugan ang mga sasakyan, nag-panic nang husto ang mga sakay.

Kagagawan ni Adwani ang pambihirang magic.

Nagtatawa si Adwani habang palayo sila ni Greco. “Ha-ha-haaa!”

Si Greco ay hindi natutuwa; nahahabag siya sa mga sakay na posibleng ma-trap sa lumubog na sasakyan; nanghihinayang sa masisirang mga makina.

Labis din siyang nag-aalala sa kalagayan ni Shalina sa ospital; hindi pa tiyak ang ganap na kaligtasan ng asawa.

Pero hindi siya puwedeng tumanggi sa masamang diwata; alam na grabe ang kapangyarihan ni Adwani.

“Pagbutihin mo ang pagpapaligaya sa akin, Greco,”  paalala ng bad fairy habang papasok na sila sa compound ng motel.

Napabuntunghininga si Greco. Napakaganda ni Adwani, napakalakas ng sex appeal. Natitiyak niyang makakalimot siya sa piling nito.

HALOS pagabi na nang magising si Greco sa kama, sa motel room. Naalala ang naganap sa kanila ng bad fairy.

Nakalimot nga siya sa piling nito; ulit-ulit silang nag-lovemaking.

“A-Adwani?”  Wala sa room ang masamang diwata, natiyak ni Greco.

Madali niyang tinungo ang drive-in  carport  sa ibaba.

Napaigtad siya. “W-wala ang kotse! Iniwan ako ni Adwani!”

Bayad na ang bill nila ni Adwani, ayon sa kahero ng motel. Kahit paano ay nakahinga nang maluwag si Greco. Hindi naman pala siya ipinahamak ng bad fairy, naisip niya.

Kaso ay wala siyang pera sa bulsa, kahit barya. “Paano ako babalik nito sa ospital? Maglalakad?”

Gusto niyang isipin na sinadya ni Adwani na iwan siya; alam nitong wala siyang perang pamasahe man lang.

Madilim na nang lumabas siya ng motel, naglakad nang malayo bago narating ang main road.

Kinabahan si Greco, napatingala. “Malapit nang sumungaw ang buwan…” (ITUTULOY) 

 

vuukle comment

A-ADWANI

ADWANI

BAYAD

GRECO

INIWAN

KAGAGAWAN

KAHIT

SI GRECO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with