^

Para Malibang

Aswang family (41)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

SA PINK ambulance  na kumukutitap sumakay sina Adwani at Greco mula sa ospital.

“Sa malapit lang, ha, Adwani…at sandali lang talaga tayo,” ulit ni Greco sa diwatang sabik sa pag-ibig. “Kailangang makabalik agad ako kay Shalina…hindi pa siya ligtas…”

“Napipikon ako sa iyo, Greco. Kapag ako ang katabi mo, huwag mong mementionin ang babaing ‘yon!”  Tumaas ang tinig ng bad fairy, labis na nagselos.

Nagpakumbaba agad si Greco, alam na masamang magalit ang diwata. “Sorry na.  S-saan tayo?”

 â€œSa magandang motel, lover boy.”

“B-baka bawal doon itong ambulansiya?” Alanganin si Greco.

“No problem, magkokotse tayo, Greco.”

Sa isang kumpas ni Adwani, ang sinasak­yan nilang ambulansiya ay naging kotseng pangmayaman.

“Grabe! T-tunay na magic!” Hindi napigil ni Greco ang paghanga sa power ng diwatang seksi.

“Gusto mo bigla akong nakahubad? Totally naked, now na?”

Napalunok si Greco. “H-huwag muna. Sa loob na lang ng m-motel, Adwani.”

May mga nagbubusinahang motorista sa likuran—mga nakasaksi sa magic ng ambulansiyang naging kotse. Honk-honk-honkk.

“Naiskandalo sila ng magic mo, Adwani…” Nag-alala si Greco.     

“Naiskandalo, sa halip humanga?”  Hindi maintindihan ng bad fairy ang mga motorista.

“Adwani,  naniniwala silang hindi ordinar­yong tao ang nakagawa ng ganoong magic! Actually ay naliligalig sila!”

“Bakit maliligalig?  Teka, lalo ko silang liliga­ligin,” walang ngiting sabi ni Adwani.

Kumumpas na naman ito,  itinuro ang daliri sa mga kasunod ng kotse. May pumulandit na kakaibang liwanag. Tsikiisst. 

Sa isang iglap, naging ilog ang highway, nag­lubugan ang mga kasunod—nag-panic ang mga lulan. “Aaaahh! Eeeee!”  (ITUTULOY)

 

 

 

vuukle comment

AAAAHH

ADWANI

ALANGANIN

BAKIT

EEEEE

GRABE

GRECO

NAISKANDALO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with