^

Para Malibang

Aswang Family (40)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

SA ADMISSION ng pribadong ospital, nagdeposito agad ng cash si Adwani. Ang bad fairy na nakasuot-prinsesa ay naaaliw. Wala kasing kaalam-alam ang tatanggap ng cash deposit na ang pera ay minadyik lang niya; galing sa hangin.

Si Greco ang kinakabahan. Naisip na kapag biglang naglaho ang cash ay mabubulabog ang mga taga-Admission, laluna ang kahera.

Nakahinga lang si Greco nang maluwag nang mailagay na ng kahera sa kaha ang cash deposit at naisyuhan sila ng resibo.

“Problema na ng ospital kung basta mawawala sa kaha ang cash na deposito ni Adwani,” sa loob-loob ni Greco.

Ang importante lang sa kanya ay ang kaligtasan ni Shalina. Ganitong nasa ospital na ang misis, malaki na ang tsansang ito ay mabubuhay.

Magkasamang nagbantay sa waiting room sina Greco, Mang Sotero, Aling Mameng at Adwani; ang bad fairy ay nakakapit sa bisig ni Greco.

Halatang nang-aakit si Adwani, nakadikit ang dibdib nito sa katawan ni Greco; ilang na ilang ang huli pero tinatablan ng panunukso ng sexy fairy.

Hindi makapalag sina Mang Sotero at Aling Mameng. Kahit paano ay laking pasasalamat nila na naisugod sa ospital si Shalina sa tulong ng masamang diwata.

Bumulong si Adwani, nagbabanta. “Greco, kapag hindi mo ako pinagbigyan— si Shalina sa operating room, gagawin kong inahing baboy.”

Napaigtad si Greco, namutla. Hindi nagbibiro ang bad fairy—kaya nitong gawing inahing baboy si Shalina.

Bumulong si Greco, nakikiusap. “Adwani,  ipangako mong sandali lang tayo…”

“Gaano ba katagal ang sandali, ha, Greco?” naaaliw na sagot-tanong ni Adwani. “Tara na, lover boy.”

Naiiling na nagpaalam sa mga biyenan si Greco. “Itay Sotero, Nanay Mameng, bina-blackmail ho ako…”

Inunawa naman siya ng mag-asawa. Alam na hawak silang lahat ni Adwani sa ilong; wala silang choice.

Lumabas ng ospital sina Greco at Adwani na magkaakbay,  sumakay sa kumukutitap na pink ambulance. (ITUTULOY)

vuukle comment

ADWANI

ALING MAMENG

BUMULONG

GRECO

ITAY SOTERO

MANG SOTERO

NANAY MAMENG

SHALINA

SI GRECO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with