^

Para Malibang

Aswang family (39)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

TUWANG-TUWA ang bad fairy sa pagdurusa ng dating lover. “Iyak pa, Grecong taksil!  Iyak! Ha-ha-ha-ha!”

“Kailangang maisugod si Shalina sa ospital, Adwani, maawa ka…hu-hu-hu-huuu!”

Ewan kung naawa ang masamang diwata. Kumumpas ito at nagkaroon ng sasakyan. Bwamm.

Isang ambulasiyang kulay-pink, kumpletong nakawangwang na, ang lumitaw—just like magic, sa mismong harapan nila.

Walang driver at medical crew.

Isinakay agad ni Greco si Shalina sa ambulansiya, pinasamahan ito kina Mang Sotero at Aling Mameng. Si Greco ang magda-drive.

“At paano ako, ha, lover boy?” malanding tanong ni Adwani; ang bad fairy ay nakadikit na kay Greco, nang-aakit.

“Naghahabol ako ng oras, Adwani! Utang na loob!”

“Greco, dalian mo! Baka mamatay si Shalina!” nagpa-panic nang sigaw ni Aling Mameng.

Si Mang Sotero ay tahimik na umiiyak, takot na takot na mawalan ng kaisa-isang anak.

Sumakay si Adwani, sa tabi ni Greco sa front seat ng ambulansiya.

Saglit pa’y humahagibis na sila sa highway. Wang-wanng-waaanngg.

Nanaig ang kapilyahan ng bad fairy, nanunukso sa kahinaan ni Greco habang ang huli ay tarantang nagda-drive.

“Love me again, Greco…”

“Mamaya, Adwani! Utang na loob!”

Nakarating sila sa emergency ng pribadong ospital.

Takang-taka sa pink ambulance ang mga nakakakita. Nawiwirduhan sila dito, maraming mga tanong.

Bakit kumikislap ang ambulansiya, pati mga gulong?

At bakit tunay na prinsesa yata ang nakaupo sa unahan?

Naiintriga sila ng pangalan ng pink ambulance: La Ambulansia Los Diablos. Na kung ita-Tagalog ay ‘Ambulansiya ng mga demonyo’!

Dinala agad sa ER si Shalina.  Sina Greco at Adwani ang nakipag-usap sa Admission. (ITUTULOY)

 

vuukle comment

ADWANI

ALING MAMENG

GRECO

IYAK

LA AMBULANSIA LOS DIABLOS

MANG SOTERO

SHALINA

SI GRECO

SI MANG SOTERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with