^

Para Malibang

Aswang family (38)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“MAMAMATAY nang walang laban si Shalina dito sa bahay! Isusugod ko siya sa ospital!” pasya ni Greco.

Malubha ang sugat sa balikat ni Shalina, hindi maampat ang dugo.

“Pero tatanu­ngin tayo ng duktor, Greco—kung napaano ang anak namin,” nag-a­alalang sabi ni Mang Sotero. “Magkakaroon ng imbestigasyon...ma­bubulgar na aswang tayong pamilya…”

“Itay Sotero, bahala na ho. Ang impor­tante’y mabuhay ang misis ko!”

Si Aling Mameng ay iyak na nang iyak, sa awa kay Shalina.

Nasa tabi na sila ng highway, pero walang nais magsakay sa ka­nila.

“Mga walanghiya na ang tao! Ayaw ni­lang dumamay!”

“Greco, makiusap ka kay Adwani! Makikinig sa iyo ang diwatang nagmamahal sa iyo!”

“Inay Mameng, isinumpa na nga tayo ng babaing ‘yon! Gusto niyang mamatay si Shalina!”

Hindi nakinig si Aling Mameng, lumutang ang pagiging ina.

Nanawagan ito sa bad fairy, nakikiusap. “ADWANI, GUMAWA KA NG PARAAN! ILIGTAS MO ANG ANAK KO!  MAAWA KA SA KAPWA MONG NAGMAMAHAL KAY  GRECO!”

Lumitaw bigla ang bad fairy. Anyong prinse­sang pagkaganda-ganda, kumpletong may suot na korona.

“Greco, ginambala ng biyenan mong aswang ang aking pananahimik. Ikaw ang makiusap sa akin!” mataray na sabi ni Adwani, nakalutang sa hangin, kita ang bahagi ng malusog na dibdib, nakakaakit.

Nilulon ni Greco ang pride, nakaluhod pang nakiusap sa dating lover. “Mahabag ka sa misis ko…nasibat siya dahil ginawa mo siyang mana­nanggal…nakikiusap ako, Adwani.”

“Umiyak ka muna, ‘yung may luha, Greco!”

“Pero, Adwani,  hindi madaling umiyak…”

“Pilitin mo, Greco! Magpakabusabos ka sa babaing ipinalit mo sa akin! Umiyak ka! Iyaak!”

Ewan kung sa habag sa sarili o sa labis na pag­mamahal kay Shalina, nagawang lumuha ni Greco. “Hu-hu-hu-hu.” (ITUTULOY)

vuukle comment

ADWANI

ALING MAMENG

GRECO

INAY MAMENG

ITAY SOTERO

MANG SOTERO

PERO

SHALINA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with