Away-Magbiyenan, Paano Maiiwasan?
Base sa mga pag-aaral na ginawa tungkol sa family life sa buong mundo, ang kadalasang idinadaing na problema ng mga misis ay mother-in-law. Paano makakatulong ang Feng Shui sa “global problem†na ito?
1---Baguhin mo ang iyong attitude sa iyong biyenan. Pakisamahan siya. Extra effort ang kailangan kung nakatira siya sa inyong bahay. Lalong dapat kang makibagay kung ikaw ang nakikitira sa kanyang bahay. Walang kuwenta ang pagpupungsuy kung hindi mo muna aayusin ang iyong attitude. Paano kung masama ang ugali ng iyong biyenan? Wala kang control sa ugali niya pero may control ka kung paano ka magre-react sa kanyang masamang ugali.
2---Ilawan ng maliwanag na bombilya ang Southwest (SW) corner ng salas. Magpakuha kayong magbiyenan ng picture na parehong nakatawa. Mas mainam kung nakaakbay ka sa kanya. Gawing malaki ang picture. Idispley ang picture na iyan sa SW. Sa tuwing titingnan ninyo ang picture, tatanim sa inyong isip na puwede pala kayong maging magkasundo. Ang tip na ito ay mula sa paniwala ng Taoist.
3---Maglagay ng dalawang crystal ball sa SW. Lilikha ito ng Earth energy na maglalapit sa inyong dalawa.
4---Kung possible, pinturahan o lagyan ng kurtinang pula ang SW upang “masunog†ang inis ninyo sa isa’t isa.
- Latest