^

Para Malibang

Walang suwerte sa pag-ibig

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Finy, isang OFW. Ang problema ko po ay ang kawalan ko ng suwerte sa pag-ibig. Nakakahiya mang aminin pero nagkaroon na po ako ng 3 anak sa tatlong magkakaibang lalaki subalit ang tatlo kong naging anak sa bawa’t isa sa kanila ay walang matatawag na ama. Ang una ay noong 17 years old ako. Pareho kaming nag-aaral ng bf ko pero nang mabuntis ako ay hindi na siya nagpakita. Hindi na rin ako nakapag-aral muli dahil nagtrabaho ako sa isang restoran bilang waitress kung saan ko naman nakilala ang pangalawang nakabuntis sa akin. Para makabawi sa dulot na malaking sama ng loob at utang na loob sa aking mga magulang, pagkasilang ko sa pangalawa kong anak ay nag-abroad ako at napunta sa Jeddah. Napa­kalungkot sa ibang bansa kaya naghanap ako ng kaibigan at natagpuan ko si Bong. Buntis na ako nang malaman kong may asawa na pala siya. Ginagawa lang pala niya akong parausan at pampalipas oras. Umuwi si Bong sa Pilipinas at gayundin ako nang lumaki na uli ang tiyan ko. Hindi ko na nakita ang anino niya. Nang maisilang ko ang pangatlong baby ko, muli akong nag-abroad para magtrabaho. Nagbabakasyon lang ako ngayon sa Pilipinas para bisitahin ang aking mga anak na nasa pangangalaga ng aking ina. Malungkot ako. Sa tingin po ninyo, may pag-asa pa kaya akong magkaroon ng isang permanenteng partner sa buhay sa kabila ng aking nakaraan?

 

Dear Finy,

Nakatatlo ka nang anak sa iba’t ibang lalaki at marahil natuto ka na sa mga nakaraan mong pakikipagrelasyon. Hindi naman masama ang magkaroon ng nobyo dahil wala ka namang sabit. Pero sa pakikipagrelasyon hindi mo dapat  na ibigay ng todo ang damdamin mo at nakakalimutan mo na kung ano ang mabuti at masama. Ang dapat mong asikasuhin sa ngayon ay ang mga anak mo at sikapin mong maitaguyod ang kanilang pag-aaral para sa kanilang kinabukasan. Makakatagpo ka rin ng lalaking magpapakatotoo sa iyo at pakakasalan ka sa kabila ng iyong nakaraan.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

AKO

ANAK

BUNTIS

DEAR FINY

DEAR VANEZZA

GINAGAWA

JEDDAH

MAKAKATAGPO

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with