^

Para Malibang

Ayaw ng magulang dahil bilanggo

IDAING MO KAY VANEZZA - The Philippine Star

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Buboy, dating bilanggo. Kaya ako lumiham ay nais kong ihinga ang sama ng aking loob bunsod ng pagkaunsyami ng aking pag-ibig. Noong ako’y nakakulong, dumating sa buhay ko si Ryna. Ipinakilala siya ng nobya ng kakosa ko. Sa simula naging magkaibigan kami hanggang sa magkahulugan ng loob. Dahil dito ay naging determinado ako na makabangon sa kinalugmukan ko sa loob ng bilangguan. Ang saya ko lalo ng maging kami, kaya lang ayaw sa akin ng pamilya niya. Noong una ipinaglalaban niya ako pero nauwi ang lahat sa pagsunod niya sa pamilya niya. Dumalang ang pagsulat n’ya sa akin. Hindi na rin niya ako binibisita sa kulungan. Hanggang tuluyang naputol ang aming komunikasyon. Masakit ang umasa sa isang pangako. Kung minsan hindi ko maiwasan kung bakit ganito ang pagtrato sa mga kagaya kong bilanggo. Hanggang dito na lang at maraming salamat sa pagbibigay daan sa aking liham.

Dear Buboy,

Hindi natin masisi si Ryna sakaling nadala siya sa mga pangaral ng kanyang magulang. Maaaring labis na nirerespeto niya ang kanyang mga magulang kaya kung mayroon man siyang tapat na pagmamahal sa iyo, minabuti niyang sumunod sa kanyang pamilya. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Dahil natitiyak kong may babaeng mas nararapat sa iyong pagmamahal. Ipagpatuloy mo ang pagbabagong-buhay at natitiyak kong may magandang future na naghihintay sa’yo. Manalig ka sa Diyos at gagabayan ka Niya.

BUBOY

DAHIL

DEAR BUBOY

DEAR VANEZZA

DIYOS

DUMALANG

HANGGANG

NIYA

NOONG

RYNA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with