“INAY, bakit kailangang sa sagingan ako mag-iwan ng kalahating katawan? Bakit hindi dito na lang sa bahay?†magkasunod na tanong ni Shalina sa ina.
“Anak, di ba sira nga ang masamang diwatang ‘yon. Hindi tayo basta ginawang aswang. Nilagyan niya tayo ng kakaibang kakanyahan. Gaya niyang ginawa sa iyo—manananggal na tanging sa sagingan puwedeng iwan ang kaputol…
“Gaya rin ng ginawa niya sa tatay mo—kapre na bading. Impakta sa kademonyuhan si Adwani.â€
“Lalabanan ko ang kagagahan ni Adwani, Inay. Hindi ako sa sagingan mag-iiwan ng pang-ibabang katawan. Ako ang kokontrol sa lugar.â€
“Pero bakit? Ano ba ang ayaw mo sa sagingan, Shalina?â€
Natigilan si Shalina, hindi masabi sa ina na napakialaman ng sintu-sinto ang pang-ibabang katawan. Hindi niya masabing naibaba ni Iskong sintu-sinto ang kanyang dilaw na saplot; her yellow panties.
Lalong hindi masabi ni Shalina ang pangamba—na baka maulit ang kasalbahihan ng sintu-sinto; na baka mas masahol pa.
“Ano ‘ka ko ang problema mo sa sagingan, Shalina?â€
“W-wala ho…okey na ho s-sa sagingan, Inay.â€
Ang totoo’y naunahan ng takot si Shalina—na aminin na may nakaduÂngis na sa kanya. Kapag ipinaalam niya sa nanay niya, dapat ding ipaalam sa kanyang mister.
Kilala niya si Greco, hindi matatanggap ng asawa na siya ay napakialaman na ng ibang lalaki. Kahit pa nga ng isang sintu-sinto; kahit pa nga hipo at silip lamang sa kanyang kaselanan. .
Hindi okey sa sagingan, alam ni Shalina. Sa susunod niyang pagiging manananggal, kokontrolin niya ang pag-iiwanan ng kaputol; sa isang lugar na ligtas kay Iskong sintu-sinto.
NANG sumunod na gabi, handa na ang ‘Aswang Family’.
“Tiyakin na hindi tayo papatay ng tao! Na tayo’y hindi pipinsala ng mga ari-arian…†Si Mang Sotero ang nagsasalita sa mga kapamilya.
“Pipilitin kong kapag tikbalang ako, hindi ko papatayin sa tadyak kahit mga hayop,†pangako ni Greco.
“Ako, kapag manananggal na, hindi ko aaswangin ang buntis na babae; buntis na kuneho na lamang…†pangako ni Shalina. (ITUTULOY)