^

Para Malibang

May iba na siya

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Greta, 24 years old at working student. Pangarap kong mag-abroad para mabigyan ng magandang buhay ang aking pamilya. Nagkaroon ako ng pagkakataon na mabigyan ng katuparan ang aking pangarap. Natanggap ako sa Dubai at nakatakdang umalis sa darating na April. Lubos po akong natutuwa na dumating din ang tamang oportunidad para sa akin. Pero sa kabila nito ay mayroon akong inaalala. Nagkahiwalay po kami ng aking nobyo dahil sa isang babae. Noong una ay tanggap ko na ang lahat. Alam ko na may iba na siya, pero hindi ko pa rin magawang putulin ang aming komunikasyon. Hanggang sa malaman ko na may nangyari na sa kanila.  Sobrang sakit dahil umaasa pa rin ako na magkakabalikan kami.  Matapos kong iiyak ang lahat, nagdesisyon na akong tulungan ang aking sarili na malampasan ang kabiguang ito. Nagpursige akong mag-abroad. Ngayong paalis na ako, nag-iisip akong kausapin siya at ilabas ang sama ng aking loob tungkol sa nangyari. Ayoko pong mabuhay sa galit pero alam kong matatagalan pa bago ko maibigay ito sa kanila. Gusto ko na rin pong lumuwag ang akong kalooban. Tama po ba ang aking gagawin o hahayaan ko na lang na tadhana na ang magbigay sa amin ng tamang panahon para pag-usapan ang mga nangyari? Ayoko rin po kasing makapagbitiw ng masasakit na salita ngayong mataas pa ang aking emosyon at baka madagdagan ko pa ang samaan namin ng loob. Sana po ay mapayuhan ninyo ako.

Dear Greta,

Tamang kausapin mo siya kung ikaw ang nagkasala. Pero siya ang may pagkukulang sa iyo. Pagkukulang na nagdulot sa iyo ng hinanakit. Kung maligaya na siya sa piling ng iba, huwag ka nang mag-abalang kausapin pa siya maliban na lamang kung may nadarama ka pang pagmamahal sa kanya kaya gusto  mo siyang makita. Tama ka, ipaubaya mo na lang sa tadhana ang susunod na pangyayari at manalangin ka na bigyan ka ng tibay at lakas para tanggapin ang isang kabiguan dulot ng salawahang pag-ibig. Isipin mo na lang na may maganda ka pang kapalarang naghihintay. Mag-move on ka at huwag hayaang tumigil ang pag-ikot ng mundo bunga ng isang kabiguan.

AKING

AKONG

ALAM

AYOKO

DEAR GRETA

DEAR VANEZZA

DUBAI

HANGGANG

PERO

TAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with