^

Para Malibang

Aswang family (20)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

KABILUGAN na ng buwan. Umaalulong si Foxy habang takot na kinakabahan ang binatil­yong alalay ni Mang Saro; ang matandang bulag ay walang takot,  nag-iisa sa silyang tumba-tumba.

Awooo. Awoooo. Tuloy sa pag-alulong si Foxy; halatang balisa ang asong takot sa aswang.

“Maglalabasan na ang mga aswang…pero hindi na naman ako papansinin…”  Nagsasalitang mag-isa si Mang Saro. Alam ng bulag na ang aso at ang binatilyo ay nagkulong na sa bodega.

“Bakit ninyo ako dinededma, mga aswang? Dahil ba sa hindi ko naman nakikita ang inyong kapangitan, ha?”

“Mga buntis lang na magaganda at mahihinhin ang kaya ninyong asuwangin! Kapag Dabiana ay walang appeal sa inyo! Ang kokorni ninyo!”

Naalala ang mga bagong kapisan.  “Ano na kaya ang nangyayari kina Mameng?  Nagkatotoo kayang silang buong pamilya ay…nagiging aswang na, sa mga sandaling ito?”

SABAY na umatungal sina Mang Sotero at Greco. “AWWRRRKK.”

Kumalansing ang kanilang mga kadena, nauga ang punong manggang pinupuluputan ng kanilang gapos na bakal.

Sabay din ang pagbabago nila ng anyo. Mga anyong nagbibigay ng grabeng bangungot.

Si Greco ay naging Tikbalang na naman. Humahalinghing. Umaalma. Ahiii-iihh. Ahii-iihh. Tagadag. Tagadag.

Nakasilip mula sa loob ng bodega ang binatil­yo at ang shih tzu, parehong takot na takot; bahag ang buntot ni Foxy; ang boy ng matandang bulag ay super-duwag.

Si Mang Sotero ay kahambal-hambal ang anyo—naging Kapre.

Kapre na 10-feet tall,  kasinglapad ng matabang acacia.

May subo siyang tabako  Mahaba ang buhok na parang si Sir Galahad.

At…bading na bading. Kapreng bakla ang bagong katauhan ng lalaking minsan nang inibig ni Adwani, bago pa man dumating sa buhay nito si Greco.

Ngooor. Buuurrk. Tulad ni Greco, nagwawala na ang baklang Kapre.

KRALANNK. Naputol ng Tikbalang at ng baklang Kapre ang kanikanilang kadenang bakal!  (ITUTULOY)

 

 

vuukle comment

KAPAG DABIANA

KAPRE

MANG SARO

MANG SOTERO

SI GRECO

SI MANG SOTERO

SIR GALAHAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with