^

Para Malibang

Aswang Family (19)

TALES FROM THE OTHER SIDE - The Philippine Star

PAREPAREHO na ngang nakakadena ang buong pamilya ni Mang Sotero.

Ang mag-inang Shalina at Aling Mameng ay nasa silong ng bahay na bato ni Uncle Saro; ang magbiyenang Greco at Mang Sotero ay nasa punong mangga. Malalaki ang kadena nilang apat; naniniwala silang sakaling sila’y mga aswang na, hindi sila makakaalis sa pagkakakadena; hindi makapamiminsala ng tao.

“Iho, nakakita ka na nga ba ng aswang—gaya ng sabi ni Uncle Saro?” tanong ni Mang Sotero sa binatilyong alalay ng matandang bulag.

“Opo, kami po nitong si Foxy.” Si Foxy ay asong shih tzu.

“At ano ang ginawa ninyo ni Foxy?”

Napakamot sa batok ang binatilyo. “E…pareho ho kaming tumakbo, n-nagkulong sa bodega…Duwag ho ‘tong si Foxy.” Bahagya nang natawa sina Greco at Mang Sotero.  “Dapat pala, iho, bago kami maging aswang—magkulong na kayo ni Foxy sa bodega.” “E, baka po si Mang Saro ang…asuwangin ninyo?” pag-aalala ng binatilyo. “Huwag naman po sana…”

“Kung noon e hindi siya ginalaw ng ibang aswang, e di lalo na kami, boy,” pangangatwiran ni Greco. “Hindi kami masasamang aswang.”

 â€œM-may mabuti po bang aswang?”

“Oo, boy. Kaming apat, di ba, Itay? ”

Tiningnan nang masama ni Mang Sotero ang manugang. “Greco, wala pang katiyakan kung anong klaseng aswang tayo—kung masama o mabuti!” Kambiyo agad si Greco.

“Tama si Itay, boy, maghintay ka na lang.”

 â€œKung tototohanin ni Adwani ang banta, gagawin daw akong aswang na bakla.”

Hindi maipinta ang mukha ni Mang Sotero.

SA SILONG ng bahay na bato, parehong naghihimagsik ang kalooban nina Aling Mameng at Shalina. Hindi nila matanggap na sila’y nakakadena.

“ ‘Yung dalawang lalaki ang may atraso sa Adwaning ‘yon, bakit pati tayong mag-ina ang idadamay?”

“Kasi nga po, tayo ang pinili ng dala­wang lalaki-- hindi siya, Inay.”

DING. DONG. DING. DONG. Tunog ito ng antigong orasan. Hatinggabi nang kabilugan ng buwan. “Awooo…awoooo…”  Umalulong si Foxy.

(ITUTULOY)

 

vuukle comment

ALING MAMENG

ASWANG

MANG

MANG SARO

MANG SOTERO

SHALINA

SI FOXY

UNCLE SARO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with