Ang iyong dugo (18)
Chemotheraphy
Ang mga gamot para sa chemotheraphy ay ipinaiinom bilang tableta o kapsula, sa pamamagitan ng iniksiyon sa balat (subcutaneous), iniksiyon sa ugat (intravenous), o sa pamamagitan ng natataÂnging paglalagay ng katerer sa mga ugat.
Ang paggamot sa pamamagitan ng pag-inom ng tableta at kapsula ay hindi masakit. Karaniwang walang sakit ang mararamdaman sa ibang uri ng chemotheraphy, maliban sa sandaling panahon na parang nakagat habang itinutusok ang karayom.
Ang mga gamot ay kailangang lumaganap sa dugo upang makarating sa mga selulang abnormal.
Ang mga gamot ng chemotheraphy ay nakikialam o sumisira sa pagdami o paglaki ng mga selulang abnormal.
Posibleng masamang bisa (side-effects)
Karamihan sa mga gamot na ginagamit ay posibÂleng magkaroon ng masamang bisa (side-effects). Ang mga ito ay magkakaiba sa bawat pasyente. Ang kasalukuyang mga pananaliksik ay naglalayon na bawasan ang mga maaaring maging masamang bisa ng gamot sa pasyente at maraming bagong gamot na sadyang ginawa upang hadlangan ito.
Ang mga gamot pang-chemotheraphy ay pumiÂpigil sa mga selula na dumami. Kung ang normal na selula ng bone marrow ay mabilis na dumarami upang panatilihin ang produksiyon ng dugo, ang mga ito ay sensitibo rin sa mga gamot.
Ang lahat ng karaniwang masamang epekto sa katawan, kahit na maliit o malubha, ay pansamantala lamang at ang mga sampol ng dugo ay regular na kinukuha upang subaybayan ang epekto ng gamot.
Naaapektuhan ng chemotheraphy ang mabilis dumaming selula. Maaaring ito ay mga normal na selula gayundin ang mga selula ng lukemya, limpoma o miyeloma. Kasama sa mga normal na selula na maaaring maapektuhan ay:
Bone marrow
Daanang gastro-intestinal (bibig, tiyan at bituka) mga policle ng buhok. 
Ngunit, ang normal na mga selula ay may kakayahang tumubo uli. 

- Latest